"Always remember that we quantify numbers and we qualify characteristics and we.. Mr. Hidalgo tumayo ka"
Natigilan ang lahat matapos sumigaw si Mrs. Aduke. Tumayo naman nang mabilis si Francis habang sinusubukang itago ang gadget na kanyang hawak hawak.
"Who give you the right to use your gadget in my class?" mariing sabi ni Mrs. Aduke habang nanlilisik ang kanyang mga mata
"Mr. Hidalgo hindi nagbabayad ang mga magulang mo sa University na ito para lang mag mobile legend ka" dagdag pa niya.
Meanwhile, the door burst open.
"Good morning ma'am sorry i'm late" hingal na hingal na sambit ni Joey, as usual late nanaman siya I can't even remember kung kailan ba siya hindi na late sa klasi since first sem.
"And you Mr. Joey Iskolar, Iskolar pa naman ang apelido mo pero pasang awa ang grado mo, nakuu ang aga aga and all of you are stressing me out. Kayong dalawa bat di niyo tularan tong si Mr. Lopez student from section B pa yan at nang malipat sa A naging consistent honor na at working student pa tong si Mr. Lopez" mahabang litanya niya sabay tapon ng tingin sa akin.
Binigyan ko naman siya ng matipid na ngiti at ngayon ay halata na sa mukha ko ang pagkahiya.
"Umupo kayong dalawa at ikaw Mr. Hidalgo give me your gadget".
Iniabot ni Francis ang kanyang kanina pa hawak hawak na cellphone samantalang gumayak na sa kanyang upuan si Joey. Tinapunan muna niya ako ng isang matalim na tingin bago tuluyang kumawala, sinuklian ko nalang siya ng isang nang aasar na ngiti. This brath akala niya magpapatalo ako, never.
Nagpatuloy si Mrs. Aduke sa kanyang session habang lahat ng mga mata sa loob na silid na ito'y naka tuon sa kanya. She's probably mid 30's graduate siya ng Xavier University kinatatakutan siya. Sa katunayan last year limang students lang ang pumasa sa pa thesis niya.
"Kapag bagsak kayo sa research ko that means babalik kayo this coming summer and now I will divide the class, may 5 groups dapat"
Sumimangot ang mukha ng ilan samantalang ang iba'y parang problemado na.
"To make this different, kayo ang pipili ng magiging ka grupo ninyo always remember to choose wisely for this research may break your friendships."
Naghiyawan naman ang lahat samantalang kinalma ko ang aking sarili at iniisip kung sino ang mga posibleng ka grupo ko.
"Pero ma'am paano naman po yong iba yong mga mediocre student kagaya namin?" Tanong ng isa kong ka klasi na halatang problemado na
"Hija alalahanin mong ang research ay hindi patalinuhan kundi sipag ang puhunan kaya dito magkakaalaman tayo kung sino ang tatanga - tanga at kung sino ang nagsisipag" sagot naman ni Mrs. Aduke.
"Pero ma'am" magsasalita pa sana ang isa ko pang ka klase pero tumayo na si Mrs Aduke sa kanyang pagkakaupo.
"That ends our session for today. You should have your groups by next meeting goodbye, everyone".
Tuluyan na siyang lumakad palabas ng silid.
"Caleb, may grupo ka na?"
"Caleb, can I be your groupmate?"
Nagsilapitan naman ang mga kaklase ko sa akin. Tingnan mo tong mga kupal na to lalapit lang sila pag may kailangan.
"Wala pa naman pero kung gusto niyo sige ba basta maximum of 8 members lang dapat" tugon ko naman.
Inayos ko na ang aking mga gamit sa bag ng biglang may kumalabit sa akin. Paglingon ko'y sumalubong sa akin ang mapupungay niyang mata, those dark eyes, perfect curve of smile pero bitch hindi ako madadala sa ka plastikan ng kupal na to. Sa unang tingin ay tila ba'y anghel ang panlabas na anyo niya ngunit ang kaloob looban niya'y tahanan ng isang demonyo.
BINABASA MO ANG
KAHAPON (BxB)
Novela JuvenilCaleb Isocrates Lopez - A working student who was slowly revealing his gender indentity. Siya ang minsan nang nagmahal kay Titan Montenegro na kanyang kababata at ang tanging bumihag sa nagiisang campus hunk at anak ng school's president na si Joey...