Kabanata 30

262 15 1
                                    

Ito na po ang huling kabanata. Susunod ang pangwakas. As much as I wanted to keep this to myself, I can't. I am not yet ready to end their story. But that's the thing, we'll never feel ready.

Astrelle and Hedeon's love deserves to be written. I hope I have imparted a lesson, even just a teeny teeny bit. Thank you for reading! To my bffs, thank you! <3



Enough

I stared at Hedeon who's sitting in front of me. Hinihintay niya akong matapos sa mga inaayos kong papel dito sa clinic.

I've been working for almost a month now. At sa lahat ng araw ay sanay na ako makita siyang tamad na tamad sa harap ko habang hinihintay ako.

"Are you bored?" Tanong ko sa kanya. Kahit naman hindi ko iyon tanungin ay sigurado ako sa magiging sagot.

He rolled his eyes on me. Tumawa ako sa inakto niya. I told him not to fetch me today, pero makulit siya at narito sa harap ko ngayon.

"Sabi ko naman sa'yo meron pa akong isang patient. Maya-maya pa ang dating niya."

"But it's our monthsary, Rel!" He stomped his feet. Tawang-tawa ako dahil sa inakto niya.

I jokingly looked for the calendar on my table. "But it's not the twentieth of the month!"

He glared at me.

"Our monthsary is every first of the month, Astrelle!"

"It's on the twentieth!"

"I'm considering January first as our anniversary. Kaya ngayon ang monthsary, Rel!"

"But we formally fixed things between us during the twentieth. That's last two months ago!"

He sneered at me. "But we didn't break, Rel!"

"We didn't! Of course. Pero nga... formally fixed, Hedeon!"

We were arguing. Tuwang-tuwa ako samantalang siya ay inis na inis. 

Sasagot pa sana siya pero sakto namang kumatok si Mina, my new assistant.

"Doc, narito na po ang last patient niyo..." she looked at Hedeon who's grumpy in front of me. Masama ang tingin sa akin.

Ngumiti ako kay Mina. "Sige. Just a sec."

Bumaling ako kay Hedeon. "Nariyan na raw pasyente ko, Attorney. Let me work then we'll argue again later." Pagtataboy ko sa kanya.

He sighed but stood up. Binigyan ako nang matalim na tingin bago lumabas. I was silently laughing noong pumasok ang pasyente ko.

Nagtagal iyon ng halos tatlumpong minuto. Pagkalabas na pagkalabas pa lamang ng pasyente ko ay nakita kong nakaabang sa pintuan ang boyfriend ko. Hindi maipinta ang mukha.

"Mina, you can go ahead." Sigaw ko mula sa loob. 

Tumango ang assistant ko at saglit na nag-ayos. I returned to my chair at sumunod sa loob ang boyfriend ko.

"Are you ready? Can we go now?" Magkasunod niyang tanong at hindi na nag-abalang umupo.

"But baby, I still have to finish these..." Itinuro ko ang mga papel na kailangan kong ayusin. Tumayo ako at itinago 'yon sa drawer. Since I just started, marami akong kailangang asikasuhin.

Pero hindi naman iyon magtatagal. I can actually fix these in five minutes. Ang kaso, gusto ko pang asarin ang boyfriend ko. And it's still early...

"Don't baby me, Rel." He scoffed and sit in front of me. "Let me help you," pagpupumilit niya at tumayo para lumapit sa akin.

"No! Stay there!" Pero hindi siya nakinig at mas piniling umupo sa upuan ko. He was playing with my swivel chair. Napailing na lang ako.

The Boundaries of AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon