Done
Kaya babalik ako rito bukas para sanayin ka ulit sa presensya ko...
Babalik ako... sanayin... ulit...
Fucking shit! Nagmomove-on ako tapos heto siya't babalik ng walang abiso!
I just told myself that I won't eat with him. Pero heto ako't busog na busog pa rin sa lunch namin kahit hapunan na!
Kahit paborito ko ang ulam ay hindi ako makakain dahil kung ano-anong mga butiki ang nasa tiyan ko! And just by thinking of lizards irked me! Big time!
I missed feeding you...
Naibaba ko ang hawak na kubyertos at lumikha iyon ng ingay. Napatingin sa akin sila Kuya Lukas at Milly. Pati si Papa ay gumawi ang tingin sa akin.
"Ano bang nangyari d'yan?" Tukoy ni Kuya Lukas sa kamay kong may benda.
"Just s-some accident," ani ko at bumaling kay Milly na nanliliit ang mga mata.
"Bakit naka-benda?" Balik na tanong ni Kuya.
"Tatanggalin ko rin mamaya. It's already fine."
Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. Nawalan ako ng gana. Tinapos ko na lang ang pagkain at nagpaalam na para magpahinga.
I was arranging things in my room. Hindi ako makatulog.
Kaya babalik ako rito bukas para sanayin ka ulit sa presensya ko...
His fucking voice is echoing! Isang pagpapakita niya lang ganito na ang epekto. Paano kung totoo ang sinabi niyang sasanayin niya ako sa presensya niya?
I can see myself lurking in the shadows of my oh-so-visible love!
He definitely knew how to disrupt my system! He's like a pathogen that's always challenging my immune system! That even my third line of defense has no fucking use!
Damn that fucking attorney.
I slept very late. Madaling araw na noong hinila ako ng antok. I even did some yoga and stretching for relaxation. I even tried meditating but I ended reminiscing our lunch and our ride home!
Nagising ako sa malakas na pagkatok sa pintuan.
"Erel! May naghahanap sa'yo!" Narinig ko ang pauyam na sigaw ni Milly mula sa labas ng kwarto.
Napabalikwas ako ng higa at agad na tumakbo papunta sa banyo. It's still seven in the morning! Napakaaga naman niyang dumating!
I was brushing my teeth while trying to fix my bed hair. Iniisip ko kung maliligo pa ba ako. But that would take me more than twenty minutes! Kahit na bilisan ko ay baka masyadong matagal iyon!
I also have dark circles! Kasalanan niya 'to! How will I fucking cover this up? Should I use a concealer? Pero hindi pa ako nakaligo!
Sa huli, unti-unting kumunot ang noo ko noong napagtanto ko kung anong ginagawa ko.
Padabog kong ibinalik sa lalagyanan ang toothbrush ko. Pinunasan ang mukha gamit ang face towel at padarag na binuksan ang pintuan ng banyo.
Bakit ba? I do this every morning! Bago ako bumaba ay nagsisipilyo talaga ako. Sometimes I even take a bath! There's nothing new to this. Nakagawian ko.
Hindi ko nga lang alam kung bakit may hawak akong liptint. Itinapon ko sa kama ang hawak. What's with the fuss, Erel?
Dahil kagigising ko lang... s'yempre suot ko ang paboritong hoodie. Hindi na ako nagpalit dahil wala naman akong planong lumabas ngayon. Pero kung anyayahan niya ako sa labas... bibilisan ko na lang mag-ayos.
BINABASA MO ANG
The Boundaries of Abyss
Romance[COMPLETED | UNEDITED] Astrelle Escareal had lived quite a boring life after graduation. But she's too busy to admit that. She tries to entertain sudden night outs with friends, but she's excessively drained from work; she would rather cuddle in her...