Poetry 4: WPRE

358 6 0
                                        

     Wattpad Royal Empire

Simula ng sumali ako sa grupo nato
Mas natuto ako kung paano mamilosopo
Salamat sa pagtanggap ninyo.
Kahit madalas akong mang inis sa inyo

Mag aapat ba buwan pa lang ako.
Ngayong december two
Pero madaming alaala na tayong nabuo
Habang magkachat tayo

Madalas akong nasasabihan na sana all masaya
Kasi napapadalas ang pagngiti ko ng mag-isa
Sa tuwing naaalala ko
Kung paano ko inisin ang isa sa inyo

Isa kayo sa mga happy pill ko.
Sa tuwing nalulungkot ako..
Dahil kapag maiingay na kayo
Kung ano anong topic na ang binubuksan niyo

Mga admin na makulit
Mga miyembro na mapilit.
Kapag tayo ay pagsasamahin
Riot kalalabasan natin

Magkaibang lugar man ang ating pinagmulan
Pero iisang layunin lang ang ating kinagisnanan
At yun ay damayan at pasayahin
Kung may problema man ang isa sa atin

Sa mga founder at admin
Salamat sa pagtanggap ninyo.
Hindi lang sa akin pati na rin
Sa lahat ng miyembro sa grupong na ito

Salamat sa saya
At pagmamahal na ipinaramdam ninyo ng sobra
Kabaliwan na di ko makakalimutan
Sa tuwing kompleto ang ating samahan

Hindi pa man tayo nagkikita ng personalan
Alam kong solid ang ating samahan
At gulo talaga ang kalalabasan
Kapag pinagsama ang makukulit sa ating samahan

Salamat sa pasensya na ibinigay ninyo
Sa tuwing sinasapian na ang makukulit sa grupo(isa na ako dun)
Sana tumagal pa ang samahan na ito
Kahit hindi na masyadong maingay at magulo ang mga miyembro

Note:
   WPRE means Wattpad Royal Empire. Kung sino man ang gustong sumali sa gc namin. Search niyo lang sa facebook ang Wattpad Royal Empire.❤

Tagalog Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon