Pandemya
Madami tayong pinagdaanan ngayong taon
Mga problemang hindi basta-basta malulutasan
Lalo na ang pandemyang ating pinagdaanan
Na kumitil sa milyon-milyong sang katauhanMahirap lutasan ang problemang ito.
Lalo na ang kalaban natin ay hindi tao
Kundi ito ay isang mikrobyo
Na hindi mo makikita kahit malaki pa ang mata moMga nakagawian natin ay mahirap ng magawa
Lalo na ang kinagisnan nating paggala
Pati na rin ang pagtitipon-tipon ay naantala.
Dahil sa mga patakarang ipinanukalaLahat tayo ay nahihirapan
Lalo na ang ating mga magulang
Sa kakaisip ng mga paraan
Kung san ba sila kukuha ng mapagkakakitaanMga bata at matatanda ay sa bahay lang nakatambay
Dahil tayo ay pinagbabawalang lumabas ng bahay
Ngunit may mga tao paring matitigas ang ulo
Hindi nila sinusunod ang patakaran ng panguloDapat lahat tayo ay magtutulungan
Upang pandemya ay malutasan
Social distancing ay dapat sundin
Upang di tayo mahawaan ng COVID 19