Poetry 8: Umpisa

232 6 1
                                    

Umpisa

Simulan natin sa umpisa
Kung kailan mahal pa natin ang isa't isa
Umpisa na masaya pa tayong dalawa
At umpisa na may oras pa tayo para sa isa't isa

Gusto kong balik-balikan
Ang pagmamahalang ating nasimulan
Mga alaalang sa atin ay nagdaan
Na minsan na nating pinagsaluhan

Gusto ko itong ulitin
Ang mga masasayang alaala natin
Mga alaalang di ko makakalimutan
Kahit ako ay iyo ng sinukuan

Masakit man isipin
Na ikaw ay wala na sa aking piling
Ngunit may isa ka namang naihabilin
At iyon ang singsing na ipinagkaloob mo sa akin

Patawad sa iyo
Salitang pinakaayaw kong marinig mula sa iyo
Lahat ng iyong binitawang salita
Sa umpisa mo lang pala magagawa

Tagalog Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon