Sila
Ang aking pamilya at kaibigan
Ang aking naging takbuhan
Sana tuwing ako ay may pinagdadaanan
At kailan man at hindi nila ako sinukuanMaraming salamat sa inyo
Kasi tinanggap niyo ako ng buo
Kayo ang naging inspirasyon ko
Upang hindi agad sumukoPagmamahal na hindi nila mapapantayan
Sana inyo ko lang naramdaman
Ako ay inyong ginagabayan
Sana tuwing may problema akong pinagdadaananAlam kong may mali akong nagawa sa inyo
At mga nasabi kong nasasaktan kayo ng husto
Pero andito parin kayo sa tabi ko
At mas minahal niyo pa ako ng hustoPasensya na kasi ito talaga ako
Sana kabilang ng mga nagawa kong mali sa inyo
Hindi niyo ako sinukuan
At iyon ang hinding hindi ko makakalimutanMahal ko kayo aking mga kaibigan
At hinding hindi ko kayo makakalimutan
Mga kulitan at asarang aking ginagisnan
Sa tuwing kompleto ang ating samahanMahal na mahal ko rin
Ang pamilyang bumuo sa akin
Salamat kasi itinuring niyo akong munting prinsesa
Kahit ako ay matanda na