Poetry 17: Kaibigan Mo Lang Ako

125 4 0
                                    

Kaibigan mo lang ako

Pitong pantig
Pagmamahal ko sayo ay lumalalim sa bawat pagtitig
Labing pitong letra
Libo libong sakit ang dala

Pagmamahal ko sayo ay lumalalim
Ngunit hindi ko alam kung ako ba ay iyong sasaluin
Pagmamahal ko sayo'y lumalalim
Ang tanong, ako ba ay mahal mo rin?

Ang sakit lang sa damdamin
Sa tuwing sinasabi mong kaibigan lang ang tingin mo sa akin
Kaibigang taga-punas ng luha mo
Sa tuwing sinasaktan ka nang babaeng mahal mo

Kaibigang parating karamay mo
Kaibigang nagpapakamartyr para lang sa iyo
Kailan mo ba ako mapapansin?
Kailan ba magbabago ang pagtingin mo sa akin?

Hanggang kaibigan lang tayong dalawa
Hindi tayo ang nakatadhana
Katulad ng isang tula
Kung wala itong tugma

.......................

Don't forget to vote and comment guys 💙

Tagalog Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon