Dati
Namimiss ko na ang dati
Yung pagvivideo natin mapa araw man o gabi
Yung dating kulitan at asaran
Yun ang hinding-hindi ko makakalimutanNakakamiss din pala noh?
Kasi iyon na ang nakasanayan ko
Kasi iyon ang parati nating ginagawa
Kahit ulit-ulitin man yun hinding hindi ako magsasawaYung dating tawanan,kulitan at asaran
Na sa isang iglap ay nagbago na ng tuluyan
Ang barkadahang aking pinakaiingatan
Ay nawasak na ba ng tuluyan?Hindi ko mabatid kung bakit ito nangyari
Pwede pa ba natin itong ibalik sa dati?
Kasi wala talaga akong maisip na dahilan
Kung bakit barkadahan natin ay nagbago na ng tuluyanKaya pwede pa ba nating ulitin?
Ang mga kinagisnan nating gawin
Kasi namimiss ko na talaga
Ang mga dati nating ginagawa