Poetry 13: Ikaw

237 3 0
                                    

     Ikaw
By: Hannah

Ikaw ang nagsilbing musika sa tahimik kung mundo
Ikaw ang dahilan kaya muling nabuhay ang masayahing ako
Ikaw ang dahilan upang muling bumangon ako
Ikaw ang dahilan kaya muling nagkakulay ang aking mundo

Ikaw ang nagsilbing inspirasyon ko
Naging inspirasyon ko pang buuin muli ang tunay na ako
Ikaw ang nandyan upang gabayan ako
At ikaw rin mismo ang sumira nito

Akala ko ba walang iwanan
Akala ko ba ito ay wala ng hangganan
Isa ka sa nakasaksi kung paano ko binuo muli ang sarili ko
At ikaw rin mismo ang dahilan kaya muling nawasak ako

Ang sakit
Hindi ko alam kung makakabangon ako ulit
Hindi ko alam kung kaya ko pang buuin ang sarili ko
Basta ang alam ko lang sobrang nasaktan ako

Ngunit madaming salamat sa iyo
Salamat kasi napasaya mo rin ako
Salamat sa kaunting panahon
Pangako ko sa iyo ako ay babangon

Tagalog Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon