"Cassia!" Napangiti ako nang bumungad sa screen sina Ate Arra kasama ang dalawa ko pang mga pinsan.
Umayos ako ng upo at saka kumaway sa kanila.
"Hi. Kumusta kayo?" tanong ko.
Nagkibit-balikat si Ate Arra. "Ito. Okay naman kami. Ikaw diyan? Nako, sigurado ka bang hindi ka talaga uuwi?" Napabuntong - hininga ako at malungkot na tumango.
"Pasensya ka na, ha. Alam mo naman yung gastos di ba? Tsaka gusto kong makaipon pa rin kahit paano. Uuwi naman ako pagkatapos ng sem na ito. Pag tapos na ako sa first year ko. Kaya rin ako mag-iipon para sa pag-uwi ko."
Siya naman ang bumuntong-hininga at saka tumango.
"Sayang, ate, ipapakilala pa naman ni Kuya John yung girlfriend niya." Humagikhik si Janice. Bahagyang umawang ang labi ko at saka binalingan si John na nagkakamot na ng ulo.
"May girlfriend ka na? Aba, bakit di ko alam yan?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Napakamot ulit siya tapos ay yumuko na para bang nahihiya pa.
Tinawanan naman siya nina Janice at Ate Arra.
"Sumbungera kay ka, Ning," inis sabi pa ni John na tinawanan lang ulit ni Janice. (Napakasumbungera mo, Ning.)
Natawa na rin ako at napailing.
"O, basta mag-aaral pa ring mabuti ha," paalala ko kay John. Bumuntong-hininga naman siya.
"Oo, ate. Di ko nakakalimutan."
Tumango ako.
"Alis na muna ako, ate," sabi pa niya at umalis na sa screen.
"Ako rin po! Gala kami nina Ading!" Si Janice.
Bumuntong-hininga ako at tumango lang din. Naiwan kami ni Ate Arra. Bumuntong- hininga siya. Kumunot ag noo ko.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Mukha kasing may problema siya.
Malungkot siyang ngumiti sa akin tapos ay bumuntong-hininga. "Wala to. Love problems." Marahan siyang tumawa.
Napanguso ako. "Nag-away na naman kayo ni Erick no?"
Si Erick ang matagal niya ng boyfriend. Naging sila pagkatapos mamatay ni lola. Mahigit limang taon na rin yun. Hindi ko masasabing going strong kasu panay naman ang away nila. Ewan ko nga kung bakit sila nagsi-stick pa.
"Sus. Tampuhan lang nung isang araw."
Bumuntong-hininga ako. "Ang labo niyo rin talagang dalawa, e." Napailing ako.
Tumawa siya nang bahagya. "Pag nagka boyfriend ka nako, ganito ka rin."
Sumimangot ako. "Kung magkakaboyfriend ako, ayoko ng away nang away no. Kakapagod yan. Mas mabuti na kung wala."
Pinaningkitan niya ako ng mata. "Asus, Cassia! Normal sa magjowa to no!"
"Ate, alam kong normal mag-away kung may dahilan ang pag-aaway pero kung trip niya lang, normal pa ba yun?" Napailing ako.
Ganoon kasi sila. Minsan pag nakikita ko noon okay naman tas ilang minuto mag-aaway. Tatanungin ko kung bakit, ang sagot 'e siya kasi, e'. Ang gulo lang ng ganoon.
"Ay nako, hayaan mo na ako rito. Magkakaayos din kami. Buti pa ikaw na lang maghanap diyan! Sigurado marami kang guwapong classmates! Yiee!" Napairap ako sa kanya. Tinawanan niya naman ako.
"Ate marami akong gwapong classmates, pero hindi naman yun ang ipinunta ko rito."
"Hmm. So may crush ka na? Yiee. O baka naman may nanliligaw na sa'yo, di mo sinasabi ha!"
BINABASA MO ANG
Prosecuted (School of Law #2)
RomansaCassia Farrise Alvedrez dreamt of being a lawyer eversince. Hindi sila ganoon kayaman para maka-afford ng law school, but she's a strong believer of the saying "if there's a will, there's a way". Having to study in a prime state university and being...
