Jaci's POV
After ng party ay dumeretso na ako sa kwarto ko para maligo.
Pag katapos kong maligo at mag bihis ay pumunta ako sa kitchen para kumuha ng tubig, habang inuubos ko ang isang basong tubig ko ay napa kunot ang noo ko ng may naririnig akong mga ungol sa may garden nag pa linga linga muna ako bago ko binuksan ang pinto kakaunti lang ang mga ilaw kaya medyo madilim dahil tapos na ata mag linis ang mga maid.Sinundan ko ang pinanggagalingan ng maliliit na ingay at lalong napakunot ang noo ko ng may makitang babae na nakasandal sa pader habang hinahalikan siya ng pamilyar na lalaki.Dahan dahan akong lumapit at napalitan ng matinding galit at gulat ang aking pagtataka ng makita si daddy at ang sekretarya niya pabuntong hininga akong umiwas ng tingin upang pakalmahin ang sarili at sakto namang tumama iyon sa kamay kong may hawak na baso ng tubig sabay tingin sa kanila, walang alinlangan akong lumapit sa kanila at isinaboy ang baso ng tubig na hawak ko.
Gaya ng inaasahan ay nagulat sila.Nang makabawi ay galit na tumingin sa akin si dad pero nagulat siya ng ako ang makita niya binigyan ko lang siya ng masamang tingin.Matagal ko ng napapansin na may kakaiba sa mga kinikilos nila ng sekretarya niya pero hindi ko masyado pinagtuunan ng pansin at iniisip na lang na baka ganon talaga sila ka close dahil 20 years na rin niyang secretary si ms.Aubriana Diaz mabait siya at may maamong mukha kaya hindi mo masasabing gagawa siya ng ganitong kababuyan.
"J-jaci" kabadong tawag sakin ng aking ama.
Pumikit ako at huminga ng malalim at walang emosyong tumingin sa kanya.
"What is the meaning of this dad?"pinipigilan kong suntukin siya dahil ama ko pa rin siya.
"Let me explain anak"napapalunok niyang usal.Napangisi ako at tumango tango "Siguraduhin mong magugustuhan ko ang paliwanag mo"saad ko."May relasyon kami ni Aubriana"mahinang sabi niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
"Kailan pa?""M-may d-dalawampung taon na anak."nauutal niyang sagot.
Napapikit na lang ako sa sagot niya."Alam ba to ni mommy?"
"Oo anak"sagot niya na ikinagulat ko.
"At hinahayaan ka lang niya!"hindi ko na napigilan ang sarili ko na pag taasan ng boses ang aking ama.
Mukang hindi niya yon nagustuhan dahil sinigawan niya din ako.
"Jaci wag mokong pag tataasan ng boses ako pa rin ang ama mo!"pero hindi ako nakinig sa kanya at sinigawan siya."Gawain ba ng isang ama ang ganyang kababuyan ha!?"
Isang malakas na sampal ang inabot ko kay daddy narinig ko ang mga yabag na papalapit na samin at hindi na ako magtataka kung si mom yon at mga kapatid ko.Naramdaman ko na lang na may humawak sa pisngi ko kung saan ako sinampal ni dad."Anong nangyayari dito Albert?" Narinig ko ang boses ni mommy."Omygod kuya are you ok?"tanong sakin ni Celena ng makita ang pisngi kong namumula na ata dahil sa lakas ng pagkakasampal sakin."Anong ginagawa niyo dito"tanong ko imbis na sagutin ang tanong niya "Nanonood kami ng movie sa may sala tapos may narinig kaming sigawan tas nung malapit na kami nakita naming sinampal ka ni dad"sagot naman ni Ayla.
Bumaling ako kay mom "Alam mo ba ang tungkol dito mom?"naguguluhan namang bumaling sa akin si mommy."Ang tungkol saan anak?"Nag tiim bagang akong tumingin kay dad at dinuro siya "Ang kababuyang ginagawa ni dad at ng secretary niya tuwing nakatalikod ka!"pare pareho silang nagulat sa biglaang pag sigaw ko.
YOU ARE READING
THE GIRL BEHIND THE MASK
ActionWARNING:SLOW UPDATE!! He was the day She was the night. He lived for misty mornings She lived for crazy midnights. He was the sun She was the moon. They were opposite souls. Yet both impatiently for the rare day's they might coexist peacefully. I'll...