Chapter 8

108 7 0
                                    

Elara's POV

Kanina pa ako nakahiga rito sa kama ko at nakatulala sa kisame, kitang kita ko pa rin ang ipininta kong buwan doon kahit na kay dilim ng silid na ito.Sanay ako sa madidilim na lugar doon ko nararamdaman ang lungkot at saya.

Nangunot ang noo ko ng may marinig akong kaluskos, may nakapasok sa kwarto ko. Bumangon ako at kinuha ang dagger na nasa ilalim ng unan ko walang nakakaalam na meron ako nito sa kwarto ko. Iniisip nilang hindi ko pa alam ang tungkol sa ganitong uri ng aming pamumuhay ,na ang perang tinatamasa namin ngayon ay dahil sa mga ilegal na gawain.

Tahimik akong bumaba sa aking kama at hinanap kung saan nagmumula ang mga kaluskos, madilim ang kwarto kong ito at liwanag mula sa maliit na moon lamp lang ang nagbibigay liwanag dito.

Napalingon ako sa kaliwa kung san narinig ko ang pag bukas ng pinto ng banyo, sanay ang paningin ko sa dilim kung kaya't medyo naaninang ko ang taong lumabas mula rito mula ulo hanggang paa ay naka itim ito.

Kinabahan ako ng makitang hindi ito nag iisa dahil may lumabas pang isa mula sa banyo naka itim rin ito.

Pinagmasdan ko silang maglibot sa loob ng kwarto ko inaalam kung anong kailangan nila rito o kung ako ang kailangan ng mga ito.

"Sigurado ka bang ito ang silid ng bunsong Delcour?"pabulong na tanong ng isa.

"Oo,inalam ko ang bawat kwarto ng pamilyang Delcour."sagot naman ni llpto.

Sa tindig at tono ng pananalita ng mga ito ay nasisiguro kong lalaki ang mga ito. Nakita kong papalapit ang isa sa switch ng ilaw kaya mabilis akong lumapit sa kasama nitong lalaki ,pumasan ako rito at hinawakan ang bibig nito "Shh..."yun na lang ang huling narinig niya dahil mabilis at madiin kong ginilitan ang leeg niya.Napaluhod ito habang nakahawak sa braso ko,bumaba ako mula sa pag kakapasan sa kaniya para hindi maging maingay ang pag bagsak nito pero dahil mas malaki ito at mabigat kesa sa aking timbang ay narinig pa rin ang pagbagsak nito bagaman mahina ay sigurado akong narinig ito ng kaniyang kasama.

THE GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now