Elara's POV
Nabigla ako ng hilahin niya ang necktie ko dahilan para dumikit ang labi ko sa labi niya.Tila estatwa akong nakayuko sa harap niya habang ang parehong kamay ko ay nasa sandalan ng sofa kung saan nakaupo ang walang hiyang lalaking ito.Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman kong igalaw niya ang labi niya ng dahil ay gulat akong lumayo sa kaniya at napahawak sa labi ko.
Ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko,hindi ko alam kung anong dapat gawin ko sa lalaking ito na tila nawawala na sa katinuan upang halikan ako ng ganon.
"Sweet."kumento niya habang nakangisi nag init ang ulo ko dahil don.
"Do you want to die?"gigil na tanong ko sa kaniya tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa sofa napalayo ako ng bahagya at napatingala dahil mas matangkad siya sakin.
"Walang ganiyanan it's just a kiss Elara"sabi pa nito na tila wala lang ito sa kaniya.
"Just a kiss!? That's my first kiss stupid!"inis na sigaw ko sa kaniya na ikinabigla niya,napaiwas ako ng tingin ng maramdamang uminit ang pisngi ko sa sariling sinabi.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng kaniyang silid,walang nagtangkang magsalita o kahit gumawa man lang ng ingay.
"Look,Elara I'm sorry-"kumuyom ang kamao ko at hindi pinigilan ang sariling buong pwersang suntukin siya ng dahil don ay natumba siya sa sahig.
Habang hindi pa siya nakakatayo ay inilibot ko ang paningin sa kwarto niya para hanapin ang mga gamit ko at madali ko naman itong nakita dahil karamihan sa gamit niya puro puti habang ang gamit ko ay itim.
Kinuha ko na ang mga ito sinuot ko na ang blazer ko medyo nahirapan pa ko dahil ramdam ko ang kirot sa braso ko.Tinignan ko ang lalaking iyon na nakahandusay sa sahig lumapit ako sa kaniya at lumuhod saka siya sinampal.Isinandal ko siya sa may sofa,tinitigan ko pa ang mukha niya natawa pa ako ng bahagya ng makita ang pamumula ng kanang pisngi niya dahil sa pagkakasampal ko sa kaniya.
"Gwapo ka sana kaso tarantado ka"bulong ko pero hindi ito umimik dahil wala itong malay,humihinga pa naman siya kaya walang dapat ikabahala ang makakakita sa kaniya. Hindi naman niya ikamamatay ang pagsuntok ko sa kaniya pero mag iiwan iyon ng marka.
Tumayo na ko at naglakad papunta sa pinto,nakahawak pa lang ako sa siradura ng makaramdam ako ng pagkahilo,nakailang buntong hininga ako saka tuluyang lumabas.
Mahabang pasilyo ang bumugad sakin diniretso ko lang iyon habang nakahawak sa ulo dahil patindi ng patindi ang pagkahilo ko pinilit kong tumayo ng tuwid para at pumikit saglit.Nung medyo umayos na ang pakiramdam ko ay iminulat ko na ang mata ko at naglakad ng muli,hindi rin nagtagal ay nakita ko na ang hagdan pababa walang alinlangan akong tumuloy doon na tila ba alam ko ang daan paalis dito.
May naririnig akong mga mahihinang boses pero hindi ko na inintindi bagkus ay walang pakialam akong naglalakad upang maghanap ng pinto palabas.Hindi ito kasing laki ng mansion namin pero masasabi kong mayaman ang pamilyang ito base sa mga nakikita kong mga gamit rito. May nakita akong pinto pagkalampas ko ng living room ng buksan ko iyon ay nakahinga ako ng maluwag matapos makita ang napakalaking puting gate sa di kalayuan umuulan at wala akong dalang payong pero bahala na gusto ko ng makaalis dito.
Lalabas na sana ako ng may maramdamang may papalapit sakin mula sa likuran ko,nang lingunin ko ito ay isang mataray na mukha ng babae ang nakita ko.Namumukhaan ko siya pero di ko siya makilala.
"What's your name?"taas kilay nitong tanong.
"Elara Amaris Gonzales"walang ganang sagot ko.Nakita ko ang pagbaba ng kilay niya at pagdaan ng gulat sa mukha niya.
YOU ARE READING
THE GIRL BEHIND THE MASK
ActionWARNING:SLOW UPDATE!! He was the day She was the night. He lived for misty mornings She lived for crazy midnights. He was the sun She was the moon. They were opposite souls. Yet both impatiently for the rare day's they might coexist peacefully. I'll...