Jaci's POV
Habang nasa biyahe kami papunta sa kinaroroonan ni mommy ay hindi maiwasang mag alala at kabahan sa lagay niya.Hindi rin mawala sa isip ko ang pigurang tumatakbo kanina palayo sa mansion nung una ay binaliwala ko iyon dahil baka dala lang ng sobra kong pag iisip kay mom pero nakita kong may mahabang baril ito sa likuran niya hindi ko nakita ang mukha niya dahil masyadong madilim sa at kakaunting maliliit na ilaw lang ang meron.
Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa mga kapatid ko at kay dad dahil baka guni-guni ko nga lang iyon.Bumuntong hininga na lang ako at nag isip ng gagawin para iligtas si mom.
"May problema ba kuya?"narinig kong tanong ni Celena mula sa likuran kaya lumingon ako sa kaniya pero nangunot ang noo ko ng makitang nag babasa na naman siya ng libro.
"Wala naman,bakit?"
"Kanina ko pa naririnig ang mga buntong hininga mo ano bang iniisip mo diyan?"tanong niya ng hindi tumitingin sakin dahil tutok ang mata niya sa librong binabasa.
Napabuntong hininga na lang ulit ako at hindi na nakasagot.
"Magiging ayos din ang lahat walang mawawala sa pamilyang ito dahil hindi ko hahayaang mangyari iyon"napalingon ako kay dad ng sabihin iyon pero hindi siya nakatingin sakin dahil masyado siyang tutok sa pag mamaneho.Medyo kumalma ako sa sinabi ni dad kaya tinuon ko na lang ang paningin sa labas.
"Malapit na ba tayo?"tanong ko kay Ayla dahil napansin kong malubak na ang dinadaanan namin.
"Yup"sabi niya na tutok ang paningin sa laptop "Dad lumiko ka pakaliwa."sabi niya ng hindi pa din tumitingin samin. Luminga linga muna ako dahil baka may mga bantay dito.
"Stop."sabi ni Ayla kaya tumigil ang sinasakyan namin. May nakikita kaming mga gusali sa di kalayuan na may kakaunting ilaw sa tingin ko ang iba dito ay abandunado na."Medyo malapit na tayo sa kanila hindi nila tayo maaaring makita."dagdag pa niya.
"Bumaba na tayo mag iingat kayo lalo ka na Ayla."sabi ni dad dahil mag kakasama kaming papasok sa loob at maiiwan siya dito sa labas o mas madaling sabihin na nasa madilim at mataas na lugar ang pwesto niya.
"Kayo ang mag ingat dahil wala naman makakakita sakin."sabi naman niya. "Alis na ko mag hahanap akong pwesto"sabi niya saka tumakbo at naglaho sa dilim.
"Pasaway talaga"iiling iling na sabi ko.
"Jaci at Celena kayo na ang bahala sa mga bantay isama niyo ang lima sa mga tauhan natin." Sabi ni dad kaya napalingon ako sa mga tauhan namin na inihahanda na ang kaniya kaniyang mga baril.
"Hindi ka pwedeng mag isa dad."sabi ni Celena sa kaniya at napatingin sa mga tauhan namin na nakatingin lang din "I'm sorry hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan niyo pero sa ganitong sitwasiyon hindi tayo sigurado kung tayo ang mananalo lalo't nasa kuta tayo ng mga demonyo"sabi niya sa mga tauhan namin.
"Ayos lang po iyon ma'am mga baguhan lang po kami at nag aalala lamang kayo pero gagawin namin ang lahat para maging ligtas ang bawat isa sa inyo."magalang na sabi nong nasa unahan.
YOU ARE READING
THE GIRL BEHIND THE MASK
AksiWARNING:SLOW UPDATE!! He was the day She was the night. He lived for misty mornings She lived for crazy midnights. He was the sun She was the moon. They were opposite souls. Yet both impatiently for the rare day's they might coexist peacefully. I'll...