Chapter 11

90 7 0
                                    

Tatlong oras ng nakaupo si Elara sa isang kama sa loob ng clinic habang mag kakrus ang kaniyang mga braso.Pinapanood niya ang natutulog na dalaga na kasama ni Aiko,napag alaman nilang Arya Andrada ang pangalan nito.Base sa apelido nitong nakita sa listahan.

Napatigil siya sa pag iisip ng bumukas ang pinto dahil pumasok si Aiko na ngayon ay nakasuot ng white shirt at black pants dahil sa dumi ng uniform nito kanina,sumunod na pumasok si Alyvia na may dalang mga pagkain.

"Itigil mo nga yan ang creepy mo tignan balak mo ba siyang panoorin magdamag?"suway ni Aiko kay Elara na hindi man lang siya nilingon o sinagot nanatili itong nakatingin sa natutulog na dalaga.

"Oy galit ka ba?Sorry na huhu nakakaawa kasi siya alam mo naman kung ano nangyayari sa mga taong napagiinitan ni Auryn diba kaya tinulungan ko siya buti nga ganiyan lang inabot niya eh kung hindi siguro ako sumunod baka mas malala pa nangyari sa kaniya bakit naman kasi ang sama ng ugali ni Auryn!"mahabang paliwanag ni Aiko kay Elara na hindi man lang siya kinibo.

"Oy ano ba-"hindi na niya naituloy ang sasabihin niyang magsalita si Elara.

"Manahimik ka."malamig na sabi nito sa kaibigan.

Walang nagawa si Aiko kundi ang ngumuso at umupo kabilang kama,napailing na lang si Alyvia sa ikinilos ni Aiko para itong bata na hindi napayagang lumabas ng bahay.

"Ano ng gagawin natin pag nagising na siya?"tanong ni Aly saka inabutan ng sandwich si Elara pero umiling ito.

"Tanungin mo siya kung anong ginawa ni Auryn sa kanila."

"Huh?Bakit hindi na lang si Aiko eh siya naman yung gising?"

"Mukha bang may maikukwentong tama yan?"tugon nito saka sabay na lumingon kay Aiko na ngayon napakaamos ng mukha dahil sa sauce na dumadaplis sa pisngi nito.

"Ayaw ba ni Ris niyan pwede akin na lang?"tanong ni Aiko habang nakaturo sa sandwich na hawak ni Aly na para kay Elara.

Inabot naman ni Aly agad kay Aiko iyon na kulang na lang ay pumalakpak at tumalon sa saya.Umiling si Elara dahil sa pagiging madalas isip batang kilos ni Aiko.Sabay na napatingin si Aiko at Aly ng tumayo si Amaris habang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang blazer.

"Tawagan niyo na lang ako kapag gising na siya."sabi nito saka naglakad papalapit sa pinto.

"San ka pupunta?"tanong ni Aiko habang ngumunguya ,ngumiwi si Alyvia at inabutan siya ng tissue.

"Magpapahangin."maiikling sagot nito saka tuluyang lumabas.

Saktong paglabas niya ng clinic ay may pumasok namang dalawang tao na parehong nakasuot ng black suit at black shades.Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob at tahakin ang daan kung nasan sila Aiko.

Itinabingi niya ang kanyang ulo dahil parang pamilyar ang mga taong iyon sa kaniya ngunit wala siyang maalala kaya bumuntong hininga na lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pumunta siya sa isa sa mga paborito niyang parte ng Elauria ang likurang bahagi ng paaralan kung nasan ang mga puno at halaman.
May tatlong bench doon at ang nasa gitna ang paborito niya dahil kitang kita ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga matataas na punong pinagtitirahan ng mga ibon at mga halaman na malago sa bulaklak na pinalilibutan ng mga paru paru ay talagang hindi niya pinagsasawaang tignan.

Napangiti na lang siya sa kaniyang nakikita,bihira makita ang mga ngiting iyon ni Elara,iyon ang ngiting walang halong pagkasarkastiko bagkus ito'y parang diyamante na bibihira o hindi pa nakikita ng kahit na sino.

THE GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now