Malaking palaisipan sakin kung sino ang mga taong sumusunod sa amin kanina pa simula ng makaalis kami ng aming mansion.Hindi ko sila maaninag sa gilid ng mata ko panay lang ang kuha ko ng mga gamit pero ang atensyon ko ay ang mga taong nakamasid sa amin,napatigil ako sa aking pagmamasid dahil sa madadang si Achlys.Sa kalagitnaan ng pag daldal niya ay mayroong babaeng bumunggo sa kaniya kahit ang laki laki ng space na pwede niyang daanan.
Hindi naman nakatakas sa aking paningin ang idinikit ng babaeng yon sa blazer ni Achlys.
Humingi naman ito ng paumanhin bakas ang pag aalala sa mukha nito ngunit kahit anong amo ng kaniyang mukha ay di niya ko makumbinsi sa dinahilan niya rito.
Tumaas ang kilay ko sa inaasta ni Achlys kaya diko na mapigilan putulin ang pag uusap nila
"Talaga lang ha?" Ramdam ko ang pag lingon ni Achlys sakin ngunit nanatili akong nakatingin sa babaeng yon.
Napairap na lang ako ng humingi pa ng pasensya si Achlys dito at saka ako hinila palayo.
"Bitiwan mo nga ako." pigil inis na utos ko sa kaniya,agad niya naman sinunod.
Kung ano ano pang sinabi niya kaya inunahan ko na lang siya maglakad at hindi inintindi ang pinagsasabi niya saka nagpatuloy sa pagpili ng mga bibilhin ko.
"Itim na nga ang balahibo ng alaga mo,itim pa din ang bibilhin mo para sa kaniya,pumili ka naman ng ibang kulay." Pangengealam pa niya saka napansin ang mga nakakadiring makukulay na bagay na inilalagay niya napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan ni Achlys.
"Malapit na ang acquaintance party niyo ah wala ka bang balak bumili ng damit." Si kuya,hindi ko siya nilingon dahil alam kong kasunod na niya sila ate Celena at ate Ayla na tapos nang mamili.
"Marami akong dress at gown di na kailangan bumili ng bago,saka nagdadalawang isip ako kung pupunta ako o hindi." Sagot ko ng hindi sila tinitignan.
"Bakit naman?Iyon ang pinaka iintay ng mga edtudyante taon taon." Sabat ni Achlys.
"And I'm not one of those brats, Achlys."
Hindi naman ito ang unang beses na pinag isipan ko kung hindi ba ako dadalo sa party dahil kung ako ang tatanungin mas gusto kong matulog na lang buong araw kesa makihalubilo sa ibang tao.
"Tara na kanina pa ko naiirita sa mga sumusunod satin." Pagtatapos ko sa usapan saka inagaw ang cart kay Achlys at dumeretso sa cashier.
Hindi na ko magtataka kung matunugan nila ang sinabi ko,ramdam ko ang paningin nila sakin, ngunit umakto na lang ako na parang walang nalalaman.
"Ako na ang magmamaneho." sabi ko. Lumingon pa to kay Achlys saka ibinigay sakin ang susi.
Nang makasakay na ang lahat nagsimula na akong mag maneho.
Para hindi maka damay ng ibang tao ay inilihis ko ang daan kung saan nag simula ang lahat.
"Something's wrong here." Narinig ko ngunit mahinang salita galing kay ate Ayla.
"Bakit tayo dito dumaan Elara?"pag tatanong na ni ate Celena.
"Gubat ang daan na to Elara-"bigla kong inihinto ang sasakyan bago pa matapos ni kuya ang sasabihin niya.
"Itapon mo na hanggat hindi pa sila nakakalapit."
YOU ARE READING
THE GIRL BEHIND THE MASK
ActionWARNING:SLOW UPDATE!! He was the day She was the night. He lived for misty mornings She lived for crazy midnights. He was the sun She was the moon. They were opposite souls. Yet both impatiently for the rare day's they might coexist peacefully. I'll...