Chapter 9

118 8 0
                                    

I'm friends with the monster that's under my bed
Get along with the voices inside of my head
You're tryin' to save me, stop holding your breath
And you think I'm crazy, yeah, you think I'm crazy

Nagising ako dahil sa pagtunog ng cellphone ko pero nanatili akong nakapikit at pinakinggan lang ang tunog nito. Nang matapos ang paulit ulit na pag tunog nito ay dahan dahan kong iminulat ang mata ko bumungad ang mga ipininta kong buwan bituin at araw sa kisame.

Tumingin ako sa kanan ko at kinuha ang cellphone sa bedside table ko nangunot ang noo ng makita kung ganon karaming text at 19 missed calls galing kay Aruna Aiko at Alyvia Nala.

'Hey why are you not answering ba ha?'

'Dude it's already 5am bakit wala ka pa rin dito?!"

'Ang init dito gosh bumangon ka na diyan o gusto mong puntahan ka pa namin diyan'

"Anong mainit eh madaling araw palang"pagkausap ko sa aking sarili.

'Unang araw pasukan tapos magpapalate ka? Dapat ako din!'

'We're going there na just wait for us na lang loveya mwuah!'

Yan ang ilan sa mga text nila hindi ko na tinuloy ang pagbabasa dahil naririnig ko na ang malakas na busina sa labas kaya bumangon na ko at ginala ang paningin ko sa loob ng kwarto ko.

Nabalot na naman ako ng kalungkutan palaging ganito ang eksena sa tuwing matutulog na ko at gigising. Napailing na lang ako at saka umalis sa kama para maligo dahil 5:16 pa lang ng umaga mala-late na ko pero wala naman akong pake.

Nang matapos maligo at mag bihis ay kinuha ko na ang mga gamit at susi ng kotse ko saka nagtungo sa kusina kung nasan si ate Celena na malapit ng matapos magluto ng almusal habang nakikilamon ang dalawa kong kaibigan na parang hindi sila pinapakain ng kanilang mga magulang.

"Napaka yaman ng mga pamilya niyo bakit dito pa kayo nakikikain?" Tanong ko tsaka lumapit sa ref at kumuha ng tubig.

"Mas gusto ko ang luto ni ate Cel"sagot ni Aiko habang kumukuha ng panibagong kanin, bacon, itlog, hotdog,sausage, juice at cupcake.

"Me too."sagot naman ni Aly na maarteng hinihiwa sa maliliit na piraso ang cupcake na ginawa ni ate kagabi.

"Nasan si Kuya?"tanong ko dahil hindi ko siya nakitang umuwi kagabi.

"Nasa buisness trip siya kasama ng mga Mendoza"

Napatango na lang ako sa sinabi niya mula ng manyari ang insidenteng iyon ay hindi na ko mahilig makihalubilo sa kahit na sino sadyang makulit lang ang mga ito kaya nakakalapit pa sila sakin.Napailing na lang ako saka kumuha ng isang cupcake at kinuha ang mga gamit ko sakto namang pag pasok ni Ate Ayla na mukhang bagong gising pa.

"Oh aalis ka na?"tanong ni Ate Celena na nakapag patigil sakin sa paglabas humarap ako sa kaniya at tumango. "Hindi ka man lang ba kakain?"

"Sa school na lang, eto na lang muna kakainin ko"sabi ko saka itinaas ang cupcake na hawak ko ngumiti din ako ng bahagya para makumbinsi siya napabuntong hininga na lang siya, akmang lalabas na ko ng biglang...

"Wait!"sabay na sigaw ni Aiko at Aly napangiwi ako ng may tumalsik na kanin mula sa bibig ni Aiko dahil sa biglaang pagsigaw nito.

"Eww"pandidiri ni Alyvia sa kaniya umirap lang si Aiko saka humarap kay ate Celena.

THE GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now