Chapter 3

151 15 2
                                    

AYLA HELENE GONZALES

It's been a week since our parents decide to divorce.Dito pa rin umuuwi si dad at ibinubuhos niya ang lahat ng oras at atensiyon niya kay Amaris dahil ito ang labis na masasaktan oras na malaman niyang maghihiwalay na ang mga magulang namin.Hindi namin sinabi sa kanya dahil masiyado pa siyang bata para maintindihan ang sitwasiyon pero hindi naman habang buhay ay itatago namin sa kaniya iyon sadyang hindi lang namin alam kung papaanong ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon.

Sa totoo ay ayaw ko silang mag hiwalay pero ayoko din naman maging makasarili kaya sumang ayon ako sa suggest ni ate Celena na mag divorce na lang sila dahil antagal na nilang nakatali sa isa't isa,nasasaktan ako para kay mommy dahil hindi man lang nasuklian ni dad ang pag mamahal ni mommy para sa kanya at hindi naman ako galit kay daddy nag papasalamat nga ako kay daddy dahil kung hindi niya pinakasalan si mommy ay siguro walang Jaci,Celena,Ayla at Amaris ngayon.

Bumuntong hininga na lang ako sabay higop sa kape ko.Nandito ako sa may garden at pinagmasdan sina dad at Amaris na nag lalaro sa may mini playground na pinagawa ni dad 5 years ago para lang kay Amaris hindi ako naiinggit sa bunsong kapatid ko dahil lahat naman kami ay mahal na mahal si Amaris at lahat kami ay nabibigyang atensyon nina mom at dad.

"Hi ate!!" Masayang bati sa akin ni Amaris ng makita niya ako na nakatingin sa kanila.I smiled sweetly at her and gave a small wave.Tumakbo siya papalapit sakin at yumakap pero sumama ang muka ko ng makitang nadumihan dress ko.Kakabili ko lang neto nung isang araw argh! Ngumiti na lang ako sa kanya dahil ayokong masira ang araw niya.

"Amaris?"narinig ko ang tinig ni mom sa likuran ko, bumitaw siya sa pagkakayap sakin at yumakap kay mom nakangiti namang yumakap din ito sa kanya."Tara na kailangan na maligo ng baby ko"sabi pa ni mom at nag nose to nose sila,humagikhik naman ang bunso at tumango tango pag katapos ay inakay na siya ni mom papasok sa loob.

Narinig kong bumuntong hininga si dad napatingin naman ako sa kanya "Hanggang kailan natin itatago ang lahat ng sikreto ng ating pamilya?"tanong ni dad alam kong iyong bagay na yon ang tinutukoy ni dad."Hangga't hindi pa matibay ang mga buto niya." Kung ako ang papipiliin ay hindi ko gustong malaman niya iyon ng wala pa sa tamang edad dahil sa takot na hindi niya matanggap ang lihim ng aming pamilya na baka tulad ng unang reaksyon ko nang sandaling aksidente kong malaman ang tungkol don ay matakot din siya o di kaya ay kasuklaman niya ang pamilyang ito.Baka pag sisihan niyang napabilang pa siya sa pamilyang ito.

"Maiintindihan niya kaya?"tanong ulit ni dad.Huminga ako ng malalim at tumingin sa asul na kalangitan."Ipaiintindi natin iyon sa kanya dad ako mismo ang magpapaintindi sa kaniya."sagot ko sabay tingin ng deretso sa mga mata niya.

"Wag niyong pag usapan ang bagay na yan dito sa labas..."napalingon ako ng marinig ang tinig ni kuya Jaci.Mukang kakatapos lang niya maligo nakasuot siya ng white sweatshirt at black khaki shorts."..baka may makarinig sa inyo hindi kayo nag iingat."napapailing na dagdag niya habang pinapatuyo ang buhok niya.

"Kuya sa tingin mo ba ay mauunawaan kaya ni Amaris kapag sinabi na natin sa kanya yon"tanong ko kay kuya.Tinigil niya ang pag papatuyo sa buhok niya at walang emosyon akong tinignan sabay tingin kay daddy na nag iintay din ng sagot,sinabit ni kuya ang towel sa leeg niya saka sumagot "Sa una ay asahan na natin na tataliwas siya pero darating din ang panahon na mauunawaan din niya"sagot ni kuya habang deretsong nakatingin sa akin.

THE GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now