Chapter 7

111 9 3
                                    

Achlys Vitale's POV

Isang buwan na rin ang nakalipas ng mangyari ang insidenteng yon. Ako ang nakatalaga na bantayan ang bunso ng mga Delcour. Sa mundo ng mga sindikato Delcour ang kanilang apelido, ginagamit lang nila ang Gonzales sa ibang taong walang kaalam alam na nabibilang sila ganitong uri ng mundo.

Maayos na ang lagay ni Madam Liviana kaya nakakakilos na ulit ito na tila parang walang nangyari dinahilan lang nila sa bunso na nasa business trip ang ina kaya nawala ito ng matagal.

Nandito ako ngayon sa bakuran ng mga Delcour binabantayan ang bunso nila na nakaupo sa duyan na nasa mini playground niya at nakatunghay ito sa buwan.
Ano bang meron don at palagi mong tinitignan? Naitanong ko na lang sa isip ko dahil simula ng bantayan ko siya ay lagi na niya itong ginagawa,uupo sa duyan at panonoorin ang unti unting pag dilim ng paligid hanggang sa lumitaw na ang buwan, titigil lang ito kapag dinalaw na ng antok.

Walang emosyon ang mukha pero may lungkot sa mga mata pero kapag tumunghay siya sa buwan ay tila sumisigla ang kaniyang mukha.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa katabing duyan saka tinignan ang kaniyang tinititigan,bukod sa buwan at mga bituin na nag bibigay liwanag sa madilim na kalangitan ay wala na kong makitang maganda ron para titigan ito ng matagalan.

"Gusto mo po ba talaga ang buhay na meron ka ngayon o sadyang wala ka na pong pagpipilian"napatingin ako sa kaniya ng itanong niya yon ngunit hindi siya nakatingin sakin ,hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang tanong niya sakin.

"Bakit mo naman naitanong ang bagay na yan ma'am?"imbis na sagutin ay tinanong ko na lang din siya.

"Bakit hindi niyo po sagutin ang tanong ko?"tanong ulit niya saka humarap sakin ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mga mata niya para itong kulay abo siguro ay namana niya sa kaniyang ina dahil ganoon ang kulay ng mata ni Madam Liviana.

"Hindi ko alam kung pano ko sasagutin ang tanong mo ma'am"nasabi ko na lang saka nag iwas ng tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang nakakailang na pagtitig niya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya,ramdam ko ang sarkasmo sa tawa niyang iyon.

"Ano bang meron sa buwan at palagi mo yang tinitignan?"hindi ko na napigilan ang sarili kong itanong iyon matapos ang mahabang katahimikan.Tumingin ako sa kaniya at hinintay ang isasagot niya maya maya ay matamis siyang ngumiti habang nakatingin parin doon.

"Dahil kilala niya po ako."simpleng sagot niya habang nakangiti ngunit hindi ko naintindihan ang pinupunto niya.Humarap siya sakin at lumawak ang pag kakangiti habang ako ay nakakunot ang noo dahil hindi siya maintindihan. "Marami po siyang alam na hindi nalalaman ng kahit na sino."dagdag pa niya saka tumayo ako ay nanatiling nakaupo habang iniisip ang mga pinagsasabi niya. "Matutulog na po ako magandang gabi."sabi niya saka nag lakad papasok sa mansion.

"Ano ang hindi namin alam?"mahinang tanong ko sa sarili ko. Matagal akong nanatili sa pwesto ko saka napagpasiyahang matulog na rin para hindi ako antukin kapag nag palitan na kami sa pag babantay.

Pero hindi pa man lumalalim ang tulog ko ay nagising na ko dahil kay Auzora na tila natataranta.

"Achlys gising!"sabi niya habang inaalog ang balikat ko nangunot ang noo ko saka nakapikit na bumangon "Achlys!"pabulong na sabi niya ngunit nandon ang inis at pag aalala.

THE GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now