Chapter 10

89 9 0
                                    

Alyvia Nala's POV

It's 5:30 in the morning and I'm doing my skin care routine.Maaga akong gumigising dahil marami akong kailangan gawin.

"OMYGOSH!What the hell are you doing up there you fucking pimple!"nailapit ko agad ang maganda kong face sa salamin dahil nahagip ng nakakaakit kong mata ang pangit na pimple sa aking noo.

Nagpanic agad ako naghanap ng pwede ipangtakip dito.

"OMG ang maganda kong face ay may pimple na!"pagngawa ko dahil sa tagal kong naninirahan dito sa Earth ay ngayon lang ako nagka pimple.

"Ano bang sinisigaw sigaw mo diyan ha?"napalingon ako sa pinto dahil sa tanong ni Aiko na kakapasok lang sa kwarto ko.

"Why are you here again ba?"nagtatakang tanong ko sa kaniya habang sinusundan siya ng tingin papaupo sa mamahaling couch ko.

"Wala bakit bawal na ba kong pumunta dito? Alam ko namang wala pa kayo sa school kaya dumaan muna ako dito.Tsaka tulog pa siguro si Amaris,kung papasok naman ako ng maaga maboboring lang ako."sunod sunod na sagot niya habang tinitignan ang kuko niya.Napairap na lang ako sa dami ng sinabi niya.

"Hindi ka ba nagtataka sa kinilos ni Ris nitong mga nakaraang linggo."tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan.

"Anong kataka taka don eh palagi naman siyang ganon."

"Sabagay,pero diba hindi siya umaalis sa klase ng ganun ganun ,palaging siyang may dahilan kung aalis siya ng biglaan.Base sa pagsagot niya palagi kay Mr. Silva talagang may kakaiba."napakadaldal talaga nitong babaeng to kaya napatingin ako sa kaliwa at kanan ko.

"Huwag ka ngang maingay baka may makarinig sa mga pinagsasabi mo hayaan na lang muna natin siya ,kilala natin si Amaris ayaw niya ng pinapakialaman o pinagdududahan siya manahimik na lang tayo kung may makita o marinig man tayo mula sa kaniya."pagsita ko sa kaniya.May kaunti kaming alam sa kung anong meron sa kanilang pamilya pero ang kaunting iyon ay hindi sapat upang makilala namin sila.Kami lang dalawa ni Aiko ang pinagkatiwalaan niya kaya hindi ko hahayaang may makasira non.

"I'm done na,text her na we're going there."sabi ko saka tumayo at kinuha ang phone at susi ng kotse ko.

"Iniwan ko sa bahay phone ko."sagot niya habang pinaglalaruan ang susi ng kotse niya.

"Nilalagnat ka ba Aiko?"tanong ko sa kaniya.

"Huh?Hindi naman bakit?"pagtataka niya sabay sapo ng noo niya.

"Nagdala ka kasi ng kotse eh hindi ka na nagtitipid?"pangaasar ko sa kaniya umirap lang siya kaya natawa ako.

"Hey bitches we're aalis na!"sigaw ko na umalingawngaw sa buong mansion naglabasan ang mga maid namin saka pumila at yumuko ng bahagya sa harap ko napatingin ako sa itaas umaasang dudungaw ang mga magulang ko upang sabihing mag ingat ako/kami.

"Maaga po silang umalis ma'am kasama ang ate niyo dahil may business meeting po sila."sabi ng isang maid.

"Fucking business."bulong ko saka lumingon kay Aiko na kanina pa ata nakatingin sakin kaya ngumiti na lang ako sa kaniya."Let's go."sabi ko saka naunang lumabas.

Nang makasakay ako sa kotse ko ay mabilis ko itong pinaandar hindi na inintindi ang mga nakakasabay kong sasakyan hanggang sa makarating ng Elauria. Pagkababa ko ay saka ko lang naalala na pupuntahan nga pala namin si Elara nasapo ko na lang ang noo ko saka kinuha ang phone ko saktong kakadating lang ni Aiko hindi nga pala niya dala ang phone niya 'Gosh kasalanan to ng pangit na pimple sa noo ko eh!' paninisi ko.

THE GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now