Chapter 5

134 10 4
                                    

Liviana Cynthia Gonzales

8pm na ng matapos ang meeting.Naglalakad ako ngayon papunta sa pinaka paborito kong coffee shop.

"Good evening welcome to Celestria's coffee shop!"masiglang bati sa akin ng staff ngumiti lang ako tumuloy na ako papasok "One Americano and a slice of red velvet cake? "Nakangiting tanong sakin ni Alliah.

Natatawa na lang akong napatango dahil siguro sa dalas kong pumunta dito ay alam na niya ang gusto ko.

"That will be 195 pesos ma'am"

"Here"sabi ko sabay abot sa kaniya ng card ko.

"I'll serve it in a minute ma'am."

"Okay thanks"muli pa kong ngumiti sa kaniya at dumeretso sa may table na malapit sa glass wall.

Maganda ang coffee shop na to bukod sa mabait ang mga empleyado ay malapit ito sa company. Kulay itim ang kisame na may design na ulap at mga bituin, kulay puti naman ang pader kung saan nakalagay ang mga litrato ng iba't ibang bansa na napuntahan na ata ng owner ng coffee shop na to, brown naman ang upuan at table nito napakaganda talaga dito katulad ng pangalan nito na Celestria which means "heavenly".

"Thank you for waiting ma'am here's your order.One Americano and a slice of red velvet cake."sabi ni Alliah ng maihatid ang order ko.

"Thank you"nakangiting sabi ko sa kaniya "You're welcome ma'am. If you need something just call me, enjoy."tumango ako kaya bumalik na siya sa pwesto niya,kaya ininom ko na ang kape at sinimulang kainin ang cake.

Nang maubos ko na ito ang isinalansan kong maigi ang pinagkainan ko para hindi na mahirapan ang mga mag lilinis nito saka ako tumayo. "Thank you please come again"sabi sakin ni Alliah ng makitang papalabas na ako lumingon ako saka ngumiti "I will"pagkasabi ko non ay lumabas na ko at naglakad pabalik sa company.

"Good evening Ma'am"

"Good evening Mrs. Gonzales"

"Good evening po Ma'am Liviana"

Ngumiti lang ako sa mga empleyadong nakakasalubong at bumabati sakin habang papasok ako saka sumakay sa elevator. Nang makalabas ng elevator ay dumeretso ako sa opisina ko para kunin ang mga gamit ko pag katapos ay pumunta na ng parking lot, wala na masiyadong sasakyan dito marahil ay nakauwi na ang ibang empleyado.

Natatanaw ko na ang kotse ko ng maramdaman kong may sumusunod sakin kaya pasimple kong kinuha mula sa bag ko ang CRKT kinematic morphing karambit folding knife ko.Dinoble ko ang bilis ng lakad ko at nakikiramdam sa sumusunod sakin at ng nasa tapat na ko ng pinto ng puting mclaren sports car ko ay palihim kong sinulyapan ang nasa likuran ko at napangisi ng mahagip ng mata ko ang dalawang lalaking nakatago sa itim na SUV nakaitim na suit at shades ang mga ito. Hindi na ko mag tataka kung ito ang sumusunod sa anak ko.

Pagkasakay ay pinaharurot ko ito agad paalis nakakasampung minuto pa lang ng makaalis ako ay napansin ko agad ang dalawang itim na SUV sa likuran ko, lumipat ako ng linya para makumpirma kung sinusundan nga ako ng mga ito at hindi nga ako nagkamali ako nga ang sinusundan ng mga to dahil panay din ang lipat ng mga ito at pag overtake ng wala kaming masiyadong kasabay ay binilisan ko pa lalo ang pag mamaneho.

Nagsalubong ang kilay ko ng bumilis din ang pag papatakbo nito.

"Peste!"gigil na saad ko ng matanawan ang grupo na nakaharang sa daan.Kaunti na lang ang mga sasakyan na nakikita ko dahil lumalalim na ang gabi.

Dalawa lang ang pwede kong pag pipilian ihihinto ko ang sasakyan ko o babanggain ang mga nakaharang na to.

"Shit!"inis na sabi ko saka itinigil ang ang sasakyan ko dahil ito ang paborito kong sasakyan at sobrang manghihinayang ako oras na masira ko ito.

THE GIRL BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now