cнαpтer ғoυr: ѕтroɴɢ αѕ αɴ oх

4.4K 102 4
                                    

"Ano ba, dalian mo nga." naiiritang sabi ni Kieran na nasa kama at nakaunan sa dalawang kamay na pinagsalikop. 

Naiinis na napabuga ako ng hangin. Kanina pa ko minamadali ng lalaking 'to eh, nakakainis na. Nasa lapag ako sa tapat ng dvd player kung saan may box na pinaglagyan ng mga cds. Pinapipili niya ko ng magandang movie tapos kapag hindi niya naman nagustuhan pinapabalik niya sa lalagyan. 

"Ayoko na! Ikaw na nga pumili!" Pabagsak na humiga ako sa tabi ni Kieran.

Napatingin ako sa kanya nang mapansing nakatitig siya sakin. He looked amused while smiling down at me. Pabirong tinaasan ko siya ng kilay. 

Naguluhan ako nang iangat niya ang kamay saka mabilis na ginalaw papunta sa direksyon ng tiyan ko. Tumili ako nang iangat niya ang t-shirt ko hanggang sa dibdib. Nagtagumpay siya na makita ang balak na makita. Napamura ako bago mabilis na ibinaba ang t-shirt. Agad akong umupo para di na uli yun maulit.

"Sira ulo ka ah!" Tinulak ko siya. Tinawanan niya ko bago kinabig ang bewang ko. Humiga siya saka sinubukang dalhin ako sa ibabaw niya.

Nanigas kami nang makarinig ng paggalaw mula sa nakasaradong bintana. Sinamantala ko ang pagkakataon at tinanggal ang mga braso ni Kieran sakin. Lumayo ako saka napatingin sa direksyon ng flatscreen na kanina pa nakabukas at nagpapakita ng isang commercial. Tama ngang hindi maganda maiwang magisa ang babae kasama ang isang lalaki sa isang kwarto. Malabong hindi magawa ng lalaki na mapatahimik ang mga kamay niya sa isang lugar.

Bumukas ang bintana sa tabi ng kama kaya napatingin ako doon. Pumasok si Phoenix. Kakaiba talaga ang dalawang 'to. Imbis na pinto ang gamitin ni Phoenix, bintana ang natripan.

"Gabi na, ah. San ka galing?" tanong ko kay Phoenix pagkaupo n'ya ng kama. "Pinuntahan mo gf mo noh?" I teased him.

"You betcha." He winked, "Alam mo bang wagas akong magmahal?"

Di makapaniwalang napatingin ako kay Phoenix. When Phoenix saw my reaction, he laughed. Phoenix was laughing so hard that the sound of his laughter become mute. I saw Kieran staring at me with amusement at the corner of my eyes. 

Sinamaan ko si Phoenix ng tingin, "Ba't ka tumatawa?"

He faced me, trying to be serious. "Nakakatawa yung reaction mo. Wala naman akong girlfriend eh, nakikipag-flirt lang ako nung sinabi ko yung―"

Nagulat kami ni Phoenix nang marinig ang biglang pagsara nung bintanang dinaanan niya kanina, sabay kaming napatingin doon. Ang lakas naman ng hangin. 

Nang mapatingin ako kay Phoenix, nagtaka ako. Nakatingin kasi siya kay Kieran na may nanunuksong tingin at ngiti. Tinitigan ko si Kieran, blanko lang naman ang ekspresyon niya habang nanunood ng movie sa HBO

Ngiting-ngiting tumayo si Phoenix, "Kukuha lang ako ng maiinom natin." binalingan niya si Kieran, "Anong gusto mo bro?"

"Wine. Yung bagong kulo." nakasimangot niyang sagot.

Unidentified CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon