cнαpтer тнιrтy-тwo: odd creαтυreѕ

1.3K 27 0
                                    

“Kieran!” Inalog ni Annora ang balikat ng walang-malay na katawan ni Kieran. Na-ialis nila sa baging si Kieran at nailapag na ni Kairos. Ginamitan na nito ng spell ang anak pero hindi parin ito nagigising.

“Tingin ‘ko dapat na muna natin siyang iuwi sa kastilyo.” Sabi ni Cavan kay Annora. Iniisip niyang baka matagalan pa ang paggising ni Kieran.

Nanghihinang minulat ni Kieran ang mga mata, nagising siya sa naririnig na mga boses. Malabo ang paningin niya kaya ipinikit niya uli ang mga mata. Inulit niya iyon nang walang magbago pero mas mariin na saka binuksan. He squinted his eyes, straining it to make his vision clearer. Naging malinaw ang mukha ng mga taong nakaupo sa tabi ng katawan niyang nakahiga sa concrete. Ang ama niya na nasa kanan, si Annora at si Cavan na nasa kaliwa.

He groaned. Umupo siya. Gusto niyang makita si Gwyneth. Ito ang gusto niyang makita, wala ng iba. Bakit nga ba wala ito? Kung nandito si Cavan ay sigurado siyang hindi magpapaiwan si Gwyneth sa mundo nito. He had this strong urge to see her, he missed her terribly. “Si Gwen?” tanong niya sa mga taong nasa paligid.

Hindi nakapagsalita sina Annora, Cavan at Kairos. Napakunot-noo tuloy si Kieran dahil walang sumasagot sa tanong niya. Annora smiled awkwardly at Kieran.

Cavan forced a laugh, hinampas niya sa balikat si Kieran. “Bro, kagigising mo lang si Gwen na agad ang hanap mo.”

“Nasa’n siya?” Kieran said while staring at Cavan. Napahinto sa pagngiti ng pilit si Cavan nang makita ang seryosong mukha ni Kieran.

Kieran gritted his teeth. “Nasa’n siya!!” hinatak ni Kieran ang kuwelyuhan ni Cavan. Tinitigan niya ito ng matalim kaya napalunok ang kaibigan.

“Kieran, huminahon ka. Makikita mo rin siya.” ani Kairos bago hinawakan sa balikat ang anak upang pakalmahin.

Binitawan ni Kieran ang kuwelyo ni Cavan saka hinarap ang ama. “Where is she dad?”

“She was transported by Adira to another dimension, son. I'm sorry, it was too late to save her.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Kieran. “Transported? Where?”

Malalim na napabuga ng hangin si Cavan. “Hindi namin alam.”

Napatingin si Kieran sa kanya. “Anong hindi mo alam?” naiinis na tanong ni Kieran pero hindi sumagot ang kaibigan. “You brought her here, didn’t you?” Nagtangis ang mga bagang ni Kieran dahil tama ang hinala niyang dinala nga rito ni Cavan si Gwyneth. Dahil kay Cavan ay napahamak si Gwen. Kung ang mismong ama niya nga ay walang magawa para mailigtas si Gwyneth, siya pa kaya? Pano kung hindi na ito makabalik? Hindi niya na ito makakasama at makikita pa. Masakit isiping mawawala na lang si Gwyneth ng ganun kadali. He clenched his fists. Hindi na nakapagpigil ng sarili si Kieran, inangat niya ang kamao pero bago pa man ito tumama sa mukha ni Cavan ay napigilan na ni Annora ang braso niya.

“Walang kasalanan rito si Cavan dahil ginusto ‘to ni Gwen! Siya ang nagprisinta kina Orion na dalhin siya rito! Kaya itigil mo yan!”

Naiinis na hinatak ni Kieran ang braso para mabawi iyon mula sa pagkakahawak ng pinsan. Masama at mabigat ang loob na tumayo siya. Nilapitan niya ang pinakamalapit na mga lamesa at upuan. Pinagsisipa niya ang mga ito at sinira. He grunted out of exasperation. Kung hindi niya mapaglalabasan ng sama ng loob si Cavan ay sa ganitong paraan niya na lang ibubuhos ang galit. Naglabas siya ng apoy mula sa kamay at sinunog ang mga nasirang gamit. Hindi pa siya nakuntento at sinuntok niya rin ang pader. Nagiba at nadurog iyon. Nagtalsikan ang nagkapira-pirasong mga kongkreto. Kapag hindi nakabalik si Gwyneth ay mapapatay niya si Cavan at Orion.

Unidentified CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon