cнαpтer тweɴтy-eιɢнт: υɴυѕυαl вrιeғιɴɢ

1.2K 24 1
                                    

Isang linggo na ang nakalilipas simula nang magkaroon ng meeting ang mga vice-premiers. Talagang kinabahan ako habang nagpapaliwanag sa unahan. Pakiramdam ko nasa board meeting ako kaso nga lang ay mas matataas ang posisyon o repustasyon ng mga taong nasa harapan ko noon. Naging maayos naman ang pagharap ko sa kanila kahit na dalawang vice-premiers lamang ang nakaunawa ng lubusan at pumayag sa mga sinabi ko katulad ni Mr. Kairos, pero hindi iyon nangyari ng walang debate. Sila Casimir at Jotham ay susuporta sa plano namin, ang dalawang vice-premiers na umanib sa'min. 

Karamihan sa kanila ay hindi sumangayon sa pagtulong dahil hindi nila gustong kalabanin ang council ng bansang Azera, ang sabi pa ng isa sa walong vice-premiers ay hindi na nila problema iyon at dapat na kami na lang ang lumulutas ng sarili naming problema. Sinabi rin nila na hindi sila mangingialam sa hindi pagkakaunawaan ng mga civilian at ng council, nilinaw rin ng mga ito na wala silang pinapanigan. Payag raw sila sa kung ano mang mapagdesisyunan o magiging resulta ng gagawing pagaaklas namin.

Sa ngayon ay nakatutok sakin si Argo para patuloy akong turuan at tingnan ang progreso ng ginagawa kong pagsasanay o improvement ko. Ilang araw narin kaming nagtitraining at kasama kong magtraining ang iba't-ibang salamangkero sa courtyard ng kastilyo. Noong una inakala ko na lahat ng magical practitioners dito magsasanay, sa kani-kanila palang mga bansa magtitraining ang mga salamangkerong tutulong samin at marahil narin siguro sa kakulangan ng espasyo.

At dahil wala naman akong kapangyarihan di tulad nila, busog at palaso o pana ang napiling ipagamit sakin. Sabi ni Argo dapat mabilis daw ako sa pagpapana dahil may mga kapangyarihan ang mga haharapin ko. Bago ako binigyan ng pana, rinekomenda ko na ispada na lang pero ayaw ni Phoenix, malalagot daw siya kay Kieran pag nalaman niya na nasaktan ko ang sarili dahil sa maling paggamit ng ispada. Pano naman malalaman ni Kieran na nasaktan ako kung nandoon siya sa council? Phoenix can really be stupid sometimes.

Sa kadahilanang kaliwete ako, ang ginagamit kong pana ay para sa mga kaliwete. Nakasuot ng arm guard ang kanang braso ko para maiwasan ang paggasgas sa balat ko ng bowstring, sa likuran ko ay may quiver para paglagyan ng mga palaso o arrow. Sa pagpapana ay dapat nasa tama ang tindig ko, dapat na nakaturo ang kanang balikat sa direksyon ng archery target. Nanunood lang si Argo nang itutok ko sa lupa ang bugso o bow, inilagay ko ang palaso sa arrow rest saka gumamit ng tatlong daliri para hawakan ang palaso ―iniipit ng hintuturo at hinlalato ang palaso― ang sabi sakin ni Argo sa eastern tradition ay gumagamit ng hinlalaki pero dahil ito ang nagustuhan ko at ito ang papular ay ito ang madalas kong ginagawang istilo sa paghawak sa palaso.

Inangat ko ang busog saka hinatak ang palaso at itinutok iyon sa archery target, "Concentrate." I told myself. Hindi kumukurap na binitawan ko ang palaso. When I saw the arrow hit the center I smiled broadly and fist-pumped the air. "Yes! Bull's eye!" Sa wakas, pagkatapos ng ilang araw kong pagmintis at pagtama sa pula ay nagawa ko naring mataaman ang gitnang dilaw! Nang makarinig ako ng palakpak sa gilid ay nakangiting napatingin ako kay Argo.

"Well done! Congratulations Gwyneth!" nakangiting sabi niya ng makalapit sakin.

"Sa wakas, pagkatapos ng isang siglo nakuha mo naring panain ang gitna ng target!" 

Napatingin ako kay Orion na inakbayan ako. I smiled at him then gasped when I saw Drakon on his shoulder. Naalis ang braso ni Orion sa balikat ko nang pumunta 'ko sa harap nila para matingnan ng mabuti si Drakon. He's still small... and I completely forgot about him! 'How irresponsible.' I scolded myself. Mabuti na lang at dinala siya dito ni Orion kung hindi ay namatay na siguro si Drakon sa mansyon dahil sa gutom at kapabayaan ko. "Sorry, Drakon. Nakalimutan kita sa bahay." hinaplos-haplos ko ang ulo niya habang nasa balikat siya ni Orion.

Unidentified CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon