cнαpтer ѕιхтeeɴ: вeιɴɢ α мαɢιcαl prαcтιтιoɴer

2.7K 57 0
                                    

Lakad takbo ang ginawa ni Gwyneth. Nang humangin ay napatingala ito at napansin ang kabilugan ng buwan. Nang makalayo na ay huminto ang dalaga at liningon ang mansyong ilang beses nang napuntahan. Umangat ang parehas na sulok ng labi nito nang muling maalala at makitang wala itong halos ipinagkaiba sa ibang mga mansyong nasa subdivision, pero kung sino mang maswerteng makakapasok sa mansyong kinaroroonan nila Kieran ay tiyak na makikita ang malaking ipinagkaiba nito sa kahit na anumang bahay o mansyong mabibisita.

Pinagmasdan niya iyon ng ilang minuto bago nagpasyang magpatuloy sa paglalakad sa sidewalk.

Wala itong pakialam kahit napatingin na ang guard dahil sa paglabas nang gabing-gabi sa subdivision.

Sa ginawa nitong pag-alis ng buhok sa harapan gamit ang likuran ng palad ay napahinto ang isang binatang kasalubong at napatitig na animo'y na akit rito, lalo na't may kaiklian ang suot ni Gwyneth na cocktail dress. Hindi iyon napansin ng dalagang tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Desidido itong marating ang patutunguhan.

Huminto ito at humarap sa isang restaurant sakto namang pababa na ng hagdan papuntang kalsada ang binata. Maliwanag sa labas ng restaurant dahil sa mga ilaw, maganda rin ang kapaligiran dahil sa mga magagandang halaman at ilang lamesa't upuan na mukang pinasadya pa ang disenyo.

Nang tuluyan ng makalapit si Laxus ay nginitian ito ng dalaga. Napatingin ang binata sa kabuuan ni Gwyneth bago binalik ang tingin sa mukha nito saka ngumiti.

"Good evening, Miss beautiful." sabi ni Laxus rito bago kinuha ang kamay ni Gwyneth at hinalikan sa likuran ng palad.

"Good evening." nakangiti nitong bati rin sa binata. "Ikaw lang ba mag-isa kanina doon sa loob ng restaurant?"

"Yeah, wala nga kong makausap eh." Laxus smiled warmly at the young lady. "Would you mind joining me for awhile?"

Napasinghap si Gwyneth nang bigla siya nitong yakapin. Ilang sandali lang ay bahagya nitong inilayo ang sarili sa dalaga at marahang itong hinaplos sa mukha. Nanlaki ang mga mata ni Gwyneth nang halikan siya nito sa labi.

Panandalian lang ang gulat niya dahil agad niya naring tinugon ang mga halik ng binata.

"What the hell!!"

Inilayo ni Gwyneth ang mukha kay Laxus nang marinig ang pamilyar na boses. Napatingin ito sa taong iyon.

"Gwen, I thought we're a couple? Why the hell are you kissing this dumbass?!" sigaw ni Kieran sa sobrang inis.

"A couple?" namumulang tanong ni Gwyneth rito.

Kieran clenched his jaw. Agad syang lumapit sa dalawa nang tuluyang maglayo ang mga ito saka mabilis na sinuntok sa mukha si Laxus. Nauwi sa palitan ng suntukan ng dalawang binata iyon.

Nagpapanic na gumitna si Gwyneth at tinulak palayo sa isa't isa ang dalawa. 

Napatili ang dalaga nang bigla siyang lapitan ni Kieran at walang alinlangang binuhat. Sa takot na mabitawan dahil sa agad na pagbuhat ay napakapit siya rito. Wala siyang nagawa nang maglakad na ito palayo, palayo kay Laxus. Nagulat si Gwyneth nang makitang pinuluputan ng ugat ang buong katawan ni Laxus dahil doon ay hindi ito makaalis at nagpupumilit itong makawala, sinusubukan rin nitong abutin ang wand na nasa bulsa. Tiningnan niya ang paanan ni Laxus, nasira ang semento dahil sa pagusbong ng ugat mula roon.

Unidentified CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon