cнαpтer ѕeveɴтeeɴ: υɴeхpecтed

2.2K 41 0
                                    

Agad na tumungo ang dalaga sa kusina pagkatapos ni Kieran magpaalam na mauuna na sa kwarto para maligo muli. 

Dahil nagugutom na si Gwyneth ay kumuha ito ng sandwich at ng iba pang mga ingredients sa refrigerator para sa kakainin. Nakangiti lang siya habang naglalagay ng mayonnaise sa sandwich. Sunod niyang nilagay ang mga ham, cheese, bacon bits, lettuce, tomatoes. Hindi niya makakalimutan ang araw na 'to kung kelan nakasama niya si Kieran sa ere habang nakasakay sa isang pegasus. Hindi niya maiwapaliwag kung gaano kasaya ang pakiramdam, higit pa sa sayang nararamdaman niya tuwing sumasakay sa kahit na anong rides ng mga theme park o amusement park.

Inalala niya ang pakiramdam habang yakap-yakap ni Kieran at nasa mahangin na parte ng kalangitaan. She grinned. She would forever treasure the memory. 

Malapit na si Kieran sa pintuan ng kwarto nang mapahinto ito dahil sa naramdamang presensya ni Laxus mula sa likuran. Nanatili siyang nakatalikod dito. Nabura ang ngiti niya na kanina pa niya hindi mapigil-pigil.

"Don't send those crap into my head, as*h*le." he nearly shouted but he quickly restrained thinking that Gwen could hear it. "Tingin mo maaapektuhan ako ng mga yan?"

Pero alam niya, alam na alam niyang walang dudang naaapektuhan siya.

Laxus was sending illusions into Kieran's mind. Lahat ng iyon ay naglalaman ng mga malalaswang gawain tungkol kay Laxus at sa dalaga. Kung sa ibang pagkakataon nangyari ang ginagawa ni Laxus ay malamang ay hindi iyon umobra. Hindi lang ito napaghandaan ni Kieran dahil masyado siyang natutuwa sa nangyari kanina kasama ang dalaga.

Kieran  was clenching his jaw and his hands are curled into fists. His whole body shaking with anger. Hindi niya parin hinaharap ito dahil patuloy nyang kinokontrol ang sariling wag mapatay ito sa mismong kinatatayuan.

Laxus smirked, feeling so smug that it affected Kieran. "This was payback for what you did to me douchebag!" Laxus said in his mind. He can never forget how Kieran wanted to mercilessly kill him when he tried biting Gwen. Alam niyang kulang pa 'to para sa kabayaran na gusto niya pero hindi niya na kailangan pang problemahin 'yon dahil may gagawa na noon para sa kanya.

Ilang minuto lang ay naramdaman niya na ang taong papalapit, agad na lumawak ang ngiti niya.

Gwen was still in a state of bliss. She was humming until she reached the top of the stairs.

Eksaktong pagliko niya sa mismong hallway kung saan nandoon ang kwarto ni Kieran ay nawala na si Laxus na nagiwan ng bakas ng itim na usok na hindi niya naman narin nakita - nagtransport na ito. Wala siyang alam na ilang segundo lang ang nakalipas nang nakatayo sa likuran ni Kieran si Laxus. Linapitan niya si Kieran nang nakangiti sakto namang humarap ito pagtigil na pagtigil niya sa harap ng binata.

"Get your ass away from me! You f**king―''

Agad na natigilan si Kieran, lahat ng galit nito ay nabura at napalitan ng gulat dahil iba na ang nasa likuran niya. Hindi niya nagawang maramdaman ang pagdating ni Gwyneth kanina dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya kay Laxus. 

Natatarantang itinaas niya ang kamay para hawakan sa kamay ito pero umiwas ang dalaga. Kinakabahan na siya na baka hindi na siya nitong hayaang pagpaliwanagin. He run his hand on his hair frustratingly.

Unidentified CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon