cнαpтer тнιrтy-oɴe: αlιce

1.3K 26 0
                                    

I just stared at her, she’s undoubtly beautiful and appealing. However, I get that she’s proud to be his ex but I don’t get why there’s a need to show off her bitchy attitude. Does she really need to smile like that? It also seems like every ex in a novel acts like this too. So cliché.

“I have to admit I was jealous of you.” Adira stated, her face is void of any emotion. “Kaya gumawa ako ng paraan para mapapunta si Kieran rito at malayo siya sayo. It’s actually really funny that no one in Azera noticed that it doesn’t make any sense.” Nakangiting bumuntong-hininga siya habang nakatitig sa kawalan. “Hindi nila naisip na ikaw ang normal na tao, ikaw ang nakatira sa mundo ng mga mortal kaya ikaw ang makakapagkalat ng sikreto namin pero.. walang ginawa na kahit ano ang council laban sa’yo para patahimikin ka.”  

I gritted my teeth and clenched my fists. Slapping her would make me feel a lot better but I can’t really do it since this woman might be an old hag or anything else for that matter.

Adira continued speaking, “Walang nagtaka o nanguwestyon nang mas pinili pang si Kieran ang parusahan, siya na may purong dugo ng mga salamangkero, si Kieran na walang kahit na anong rason para isiwalat ang “pinakatatagong” sikreto.”

Pinigilan ko ang sariling sabunutan ang babaeng kaharap ko, hinayaan ko ring nakakuyom ang mga kamay ko. I let out a breath in an attempt to calm myself down. “Nasan si Kieran?”

“Don’t bother seeing him, don’t bother finding him either. Nagaaksaya ka lang ng panahon.” She chuckled. “He doesn’t want to see you.” Tinitigan niya ko na parang awang-awa siya sa sitwasyon ko.

“Tingin mo maniniwala ako sa’yo?” Tinitigan ko siya ng masama. “Nasan siya?” tumingin-tingin ako sa paligid. Ibinalik ko sa kanya ang tingin. “Ilabas mo siya!” I shouted while glaring at her.

“I wouldn’t act like that if I were you.” She crossed her arms, smiling wrly. “Tingin ko naman sapat na ang nakita mo sa mundong ‘to para maghinalang hindi ako normal na  tao.”

Hindi ko siya pinansin at nagsimulang humakbang sa pintuang nakita ko sa kabilang direksyon. Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko na nabigla siya sa ginawa ko. Panic was clearly shown in her face.

“Stop! Don’t you dare go in that room!”

Napasinghap ako ng malakas nang bigla akong mahatak pabalik. Wala na ‘kong oras para sumigaw nang biglang tumama ang katawan ko sa malaking bintana. Nagkaroon ng ingay dahil nabasag ang ibang parte ng salamin at nalaglag ang mga iyon, kasabay ng pagsadsad paibaba ng likod ko. Hindi ko alam pero bigla ‘kong nahirapang huminga. Hindi ko rin magawang tumayo sa sobrang sakit ng katawan ko lalo na sa braso. Nakakainis isiping dalawang beses na ‘kong tumatalsik ngayong araw. I winced before looking down at my arm, only to notice it was bleeding. My left upper limb was covered in blood. Red was all over the floor because of the blood dripping from it. I suddenly feel nauseous and dizzy while staring at the amount of blood I lost.

“Wag mo na uling uulitin ang ginawa mo kung ayaw mong mamatay ng maaga, naiintindihan mo ba?!” Nagnginig ang buong kwarto nang magsalita siya. If I’m not mistaken I even heard the walls crack. I  looked up at her, dark aura was radiating off of her body. Her face was contorted in anger and her eyes were flashing. Her earlier calm demeanor was completely gone. “Wala ka sigurong naintindihan sa sinabi ‘ko. Hindi ako mortal! Kaya wag mong susubukin ang pasensya ‘ko!”

Unidentified CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon