cнαpтer тweɴтy-ɴιɴe: wιll αɴd perѕιѕтeɴce

1.2K 27 0
                                    

Nasa asul na kalangitan ang buong atensyon ko. I'm currently standing a couple of miles away from the castle. Nakatingala at nakangiting pinagmamasdan ko ang makukulay at kakaibang nagliliparang mga nilalang na matatawag na halimaw sa mundo ng mga tao. Naging makulay ang kalangitan dahil sa mga ito at nagkaron ng maraming anino sa lupa. Kung saan-saan sila nanggaling pero papunta sa iisang direksyon. Hindi ko alintana ang dami ng tao sa paligid, ngayon ay isa sa pinakamasayang araw 'ko dahil sa wakas ay makikita ko na si Kieran.

Ito ang araw kung kailan kami pupunta ng kastilyo ng council. Walang nakakaalam sa kung anong naghihintay sa amin sa oras na makatapak kami sa lugar na iyon pero isa lang ang ikinatitiyak ko, walang gustong umatras. Lahat ng kasama ko ngayon ay buo ang loob at matatag. Hindi na nila inisip pang itago ang gagawing paglusob dahil alam narin naman ito ng mga tao sa loob ng kastilyo at inaasahan na nila. 

I'm not wearing any armored suits, instead I'm wearing a simple red blouse and jeans with a quiver on my back. I can see Mr. Kairos in the middle of the crowd but his wife is not in sight. Hindi na siguro nakipagtalo pa si Mrs. Sapphira kagabi nang pagbawalan siya ng asawang niyang sumama.

Nagumpisang gumalaw ang mga hukbo na karamihan ay nakasakay ng kabayo para dumaan sa cobbled streets ng siyudad upang makarating ng kastilyo. Napalingon ako nang makarinig ng pagtawag sa pangalan 'ko.

"Gwen tara na." Phoenix said with a straight face before taking my hand and leading the way. I gave him a quizzical look when we stopped in front of Drakon, who is looking pretty smug that he's back to being huge. We're standing in some isolated part of the village. "Sakay." Phoenix told me before lightly pushing me towards Drakon. I turned my head to glare at him before climbing at the back of the gold scaly dragon. Sumunod siya at sumakay sa may likuran nang makaupo na ako ng maayos.

"Wait! Sasakay rin ako kay Drakon!" sigaw ng tumatakbo palapit na si Annora. Hindi nakaligtas ang nakita kong pagngiti ni Phoenix nang makita ang kaibigan ko. Looks like I found out Phoenix's love interest. I watch Phoenix help Annora sit inbetween us with amusement. I was smiling at the discovery of this when Drakon started flapping his wings and raised himself off the ground. Tuluyan siyang nakalipad pataas patungo sa himpapawid. Nilagpasan namin ang mga magic practitioners na nasa kabayo at ibang naglalakad, pati narin ang mga bubong ng mga bahay o mga mansyon at ilog.

Nakapikit na huminga ako ng malalim para malanghap ang sariwang hangin sa kalangitan saka iyon pinakawalan. Minulat ko ang mga mata at nakangiting tumingin sa papatunguhan ni Drakon, pero agad ring nawala ang ngiti ko nang makita ang kastilyo. This only means that everything is about to happen, the castle is the sign of the beginning of a war.

Sa ilang tower ay nakita ko ang mga catapults. Napatingin ako sa ibaba, sa mga taong maaaring mamatay para lamang sa kapakanan ni Kieran, dahil lamang sa kagustuhan ko. The thought that I'm actually being selfish made my chest feel constricted. I feel really guilty that I'm responsible for these people's lives. I shook my head, guilt is irrelevant in this situation, besides its too late for that. My vision darted down to see two of the dragons emitting fire to the drawbridge before returning my eyes ahead of us. Our allies are infront of the entrance gate dealing with the enemies.

Drakon flew past the army below us intending to reach the castle by flying over the towers and landing in the bailey. My eyes widen when flaming arrows were suddenly above us, surging at all of us with such incredible speed. Drakon swayed to the side in an attempt to avoid the arrows. The leading army of sorcerers that Jotham leads were about to get hit, he wasted no time in raising his hand and projected a force field to protect them. The arrows ricochet off of the force field. Nasa kanila ang buong atensyon ko nang biglang mapakapit ako kay Drakon dahil sa panandalian niyang pagtigil sa paglipad, kinabahan ako at inakalang babagsak na kami nang bumaba ang katawan niya ng ilang metro mula sa ere. 

Unidentified CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon