cнαpтer тнιrтy-ғoυr: lιvιɴɢ lιғe тo тнe ғυlleѕт

1.5K 34 2
                                    

"Anong nangyayari rito?"

Napahinto kaming tatlo sa pagbabatuhan nang biglang dumating si Mrs. Sapphira. Nakatitig kami sa kanya habang tinitingnan niya yung paligid. Nagkalat ang pagkain sa lapag, sa lamesa, sa mga upuan kahit sa ding-ding.

Nakatitig lang ako sa kanya ng makaramdam ako ng kamay sa braso. Pagtingala ko ay nakita ko ang mukha ni Kieran. Diretso lang ang tingin niya sa mama niya. Kahit hindi ko tingnan ang sarili ay alam kong katulad ko ang itsura niya ngayon, maraming tsokolate at icing sa mukha at damit.

"Sayang naman. Anong ginawa n'yo sa pagkain?"

Si Annora. Nasa likuran lang pala siya ni Mrs. Sapphira kanina, sabay siguro silang pumunta rito. Nilapitan siya ni Phoenix at hinalikan sa pisngi.

"Good morning." Nakangiting bati sa kanya ni Phoenix.

"Magandang umaga." Annora said while grinning at Phoenix. Matangkad ng kaunti si Phoenix sa kanya kaya nakatingala si Annora sa mukha nito. Sila na kaya? Nawala lang ako, naging mag-syota na 'tong dalawa? In any case, I'm happy for them. Napaisip tuloy ako kung nasan si Orion, siya lang kasi ang nawawala saming apat na magkakaibigan.

Napabuntong-hininga si Mrs. Sapphira kaya nabaling sa kanya ang atensyon namin. "Kung nakita 'to ng papa mo, tiyak na mapapagalitan ka, Kieran. Sa pagkakataong 'to pagbibigyan ko kayo dahil kababalik lang ni Gwyneth. Pero pagnaulit pa 'to paparusahan na kayo, capisce?"

"Yes, tita." Sabi ni Phoenix, kami ni Kieran ay tumango na lamang.

Napunta ang paningin sakin ni Mrs. Sapphira. Nakangiting lumapit siya sakin. "Mabuti at nakabalik ka, Gwyneth. I knew how determined and adamant you are, my dear. Hindi nakapagtatakang hindi ka sumuko kaagad." Hinawakan niya ang gilid ng mukha ko. "I'm so proud of you."

Napangiti ako sa mga sinabi niya. Napakabait talaga ni Mrs. Sapphira. "Maraming salamat po."

"Call me, mom, dear. I know you'll be married to my son soon anyway." Her eyes held a glint of happiness. I smiled at her. Wala pa ko sa ganong estado ng pag-iisip, naunahan niya pa 'ko.Ibinaba niya ang kamay. "Osya, maiwan ko na kayo dito, may aasikasuhin pa ko." Umurong siya nang lumapit si Annora para kausapin ako.

"Sige po."

"Gwyneeeth! Na-miss kita!" Yinakap ako ni Annora sa leeg. Making me almost lose my balance.

"Ako rin." Natatawang ginantihan ko siya ng yakap.

Ilang sandali lang ay pinakawalan niya rin ako para matingnan ako sa mukha. "Alam mo bang pinagalala mo kami? Lalo na si—" makahulugang tumingin siya kay Kieran, na nagtaas lang ng parehas na kilay sa kanya. Ibinalik niya ang tingin sa'kin. "Sabihin mo sa'kin lahat ng nangyari sa pinuntahan mo mamaya, okay?"

Nakangiting tumango ako. "Mmf." Nagulat ako nang bigla 'kong yakapin ni Phoenix. Puro icing at matatamis na bagay pa naman ang nasa damit niya. "Na-miss rin kita, Gwenny. Kahit batuhan agad ang unang ginawa natin." Natawa ko sa sinabi niya. "Hindi mo man lang nakain yung iba." Ang hula ko ay tumitingin na siya ngayon sa paligid na puno ng nagkalat na pagkain. Tinapik-tapik ko siya sa likuran.

"Tama na yan." Pinaghiwalay kami ni Kieran. Hinawakan niya 'ko sa balikat saka inilapit sa kanya. Phoenix's forehead creased probably out of confusion. Dahil hawak ako ni Kieran sa balikat, hinayaan kong magpatangay sa pagtalikod niya kina Annora at Phoenix.

"Seloso." Narinig kong bulong ni Annora. Ibinulong niya siguro kay Phoenix. I stifled a smile.

Nakasimangot na liningon ni Kieran ang dalawa. "Kung magbubulungan kayo wag n'yo ng iparinig!"

Annora just snickered, dragging Phoenix at the opposite direction. Kieran and I walked towards the stairs. I think he's planning to take me in his bedroom. The corners of my lips tugged upwards, not at the thought of being intimate. Nakakatuwa lang isipin na tahimik na at wala na kaming poproblemahing council.

Unidentified CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon