cнαpтer тнιrтy: α pαrт oғ нιѕ pαѕт

2.1K 22 0
                                    

Nakakailang pana na ‘ko at lahat sa puso ko inaasinta. Walang ‘kong ibang ginawa kundi balewalain ang nararamdamang guilt. Sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasang pumatay ng tao kaya noong unang tira ko kanina ay mintis. Nanginginig ang mga kamay ko at nagaalangan akong pumana ng tao pero habang tumatagal kasama na ang paguudyok at paninita ni Orion ay nagagawa ko ng pumana ng mga kaaway.

Kinakailangan ko lang isipin na hindi sila panig samin at masamang intensyon ang binabalak nila sa mga mamamayan ng bansang ito. Hindi wasto ang pamamalakad na ginagawa nila. Kung ako may konsensya, sila wala, siguradong wala ng paligoy-ligoy pa at papatayin nila kami. Kaya kung hahayaan ko silang mabuhay, mamamatay kami ni Orion. Ang pagpatay sa kanila ang tanging paraan para marating ko ang kinalalagyan ni Kieran.

Si Orion ay nasa tabi ko at panay ang pagpapatumba ng sino mang mamataang sorcerer na magtatangkang gumamit ng kapangyarihan laban samin. Hindi niya na pinapatagal dahil alam niyang gusto ko ng makita si Kieran. He kept on hurling beam energy at every person who tries to attack us.

Mga ilang minuto narin ang nakakalipas simula nang maisipan ni Orion na tumigil na sa kamamadali dahil walang paraan para maiwasan ang nagkalat na mga magic practitioners sa kastilyo. Kung uusad man kami paalis sa isang lugar ay pagkatapos naming makapagpatumba. Kompleto rin ang mga wizards at sorcerers na nakakasalubong namin sa outfit dahil sa mga suot nilang itim na robes, pointed and wide brim hats, at cloaks.

Nang pumasok kami sa pangatlong pintuan ay may mga wizards na agad ang nakaabang sa amin. Base sa postura ng katawan at ngiti ng isa ay talagang inaasahan na nila ang pagdating namin. Nang magsara ang pintuang nasa likuran namin ay agad na nagtaas ng kamay ang isa sa apat. Nagbato siya flame bolt kaya agad kaming umilag at tumakbo ni Orion papunta sa magkaibang direksyon. Mabilis na itinaas ko ang kamay na hawak ang pana at nagbitaw ng palaso sa direksyon nila. I bit my lip in annoyance when it only hit the arm of one of the wizards. Yumuko ako at tumakbo sa kanan nang makitang itapat sakin ng isang wizard ang wand niya. Mabilis na dumaan sa dating kinatatayuan ko ang nagliliyab na orb na pinakawalan niya at tumama sa ding-ding saka sumabog. I winced at the thought of me getting hit by it.

Nang tingnan ko si Orion ay panay ang pagwawasiwas niya ng wand sa tatlong wizard para magpatama ng spell. Nagtago siya sa likuran ng couch at nakipagpalitan ng spells. Alam kong nahihirapan siya dahil tatlo ang katapat niya. Hindi kaya naisipan nilang isa ang iharap sakin dahil babae ako at normal na tao?

Sa sobrang dami ng spells na inilalabas ng mga wand nila ay may tumamang isa sa chandelier. Bumagsak iyon, isa sa mga wizards ay natamaan. Hindi ko na nakita ang sunod na nangyari nang may tumamang spell sa tagiliran ko. Agad akong tumalsik ilang dipa ang layo sa dating pwesto. Napatingala ako sa wizard na nanakit sakin. May ilang metro pa ang layo niya kaya kinuha ko sa tabi ko ang panang nabitawan at itinutok iyon sa kanya. Nang masiguradong tatama sa kanya ang palaso ay pinakawalan ko iyon.

Nagtagis ang panga ko nang makitang pinatalsik niya lang papunta sa ibang direksyon ang arrow gamit ang kapangyarihan na inilabas ng wand niya.

“Don’t you know it’s rude to ignore your enemy’s existence?” the wizard said with a mocking smile on his face.

I forced myself to stand. “Hindi mo ba alam na kabastusan ang pananakit ng taong hindi nakatingin?”

The guy laughed. “Touché.” Nakangiting naglakad siya palapit.

Unidentified CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon