“ayan po sir!! hulihin ninyo po iyang hayup na iyan!!” hysterical na sumbong ni martin sa mga pulis habang tinuturo.
sa sobrang gulat sa mga pangyayari ay hindi ito agad nakakilos, hanggang sa tuluyan na siyang dakpin ng mga pulis.
nagmamadaling lumapit si martin, na halos patokbo na, sa kanyang walang malay bestfriend.
"kevin!? kevin!? gumising ka kevin!! tumawag kayo ng ambulansya please. . . dalhin natin siya ospital!!" sigaw ni martin na puno ng pag-aalala para sa kaibigan.
-ospital-
dinala si kevin sa pinakamalapit na ospital, sinugod ito sa emergency room upang agad na malunasan ang mga natamo nito mula sa malulupit na kamay ng kasintahang si rommy.
habang nasa loob ng e.r. ay nasa waiting area naman si martin, umiiyak siya dahil sa sobrang pagkahabag na nadarama dahil sa sinapit ng kanyang bestfriend.
hindi niya lubos maiisip na ganito ang sasapitin ni kevin sa kamay ng hayup na si rommy.
ang tanging kasalanan lang ng kanyang matalik na kaibigan ay ang mahalin ng lubos si rommy, ngunit ganito pa ang sinapit niya.
napag-isip-isip niya na mali talaga ang magmahal ng sobra, kailangan nating magtira ng kahit kaunting pagmamahal para sa ating mga sarili.
ngunit naisip niya na siguro ay tama din sa isang punto si kevin na kapag nagmahal ang isang tao kaya nitong i-give up lahat pati mismo ang sarili nitong kaligayan, kagaya nalang ng nangyari ngayon sa kanyang bestfriend.
napailing si martin sa kanyang naisip nitong ideolohiya.
marahil ay tama nga ang paniniwala ng kanyang matalik na kaibigan, ngunit para sa kanya ay mali pa rin ito.
natigil ang kanyang pag-iisip ng lumabas na ng emergency room ang doctor na nag-asikaso kay kevin.
"doc, kamusta na po ang lagay ni kevin?" bungad ni martin sa doctor na kalalabas lang sa kwarto.
"ok na siya. . . maykaunting galos, pasa at paso sa katawan. . . medyo bugbog din ang kanyang katawan ngunit nasa mabuti naman na siyang kundisyon. . . nasa recovery room na siya at hindi pa nagigisig. . ." sagot ng doctor sa kanya.
nakahinga ng maluwag si martin sa sinabi ng doctor.
tinanong niya muli ito kung maaari na niya itong makita, at sinabi naman nito na pwede nga niya itong makita.
itinuro na ng doctor kung saang kwarto nagpapahinga si kevin, binuksan ni martin ang pinto at nakita niyang mahimbing na natutulog si kevin.
napag-isip nanaman si martin sa sinapit ng kaibigan.
'tama ka nga siguro na masarap magmahal, ngunit mali ang paraan ng pag-handle mo ng pagmamahal mo kevin. . . hinayaan mo'ng lamunin ka ng pagmamahal mo. . . hinayaan mong bulagin ka nito mula sa katotohanan. . .' sabi ni martin sa kanyang sarili.
sa dimalamang dahilan natawa si martin sa kanyang sarili.
'wala nga pala ako'ng karapatan na husgahan ka kevin, dahil ako mismo ay hindi mo na-in love. . .' na-isaisip ni martin.
na-upo si martin sa tabi ng kama ni kevin upang bantayan ito hanggang siya mismo ay dinalaw na ng antok.
o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o
o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o
o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o
A/N: wew. . . wala palang wenta ung update ko nung nakaraan (pati ngaun). . . aaammmmppp!! la ako maisip na karugtong nito. . .
two hours ko tinype to. . . aiiiixxxt. . . >__________<