chapter 2: anda (money)

2.3K 18 3
  • Dedicated kay Lyanna E. Camba
                                    

-kinabukasan-

nagising si kevin mula sa malambing at nag-aalalang na haplos at tinig mula kay rommy.

ramdam na ramdam niya ang pananakit ng buong katawan, mga pasa at galos ang kanyang natamo kagabi mula sa kasintahan na lasing ng mga oras na iyon.

kahit hrap ay sinubukan niyang imulat ang mga matang pagod at medyo bugbog pa dahil sa ginawa sa kanya ng kasintahan kagabi.

bumungad kay kevin ang maamo at mala-anghel na mukha ng binata na wari mo'y nag-aalala.

"bebemahalko. . . i'm very sorry about sa kagabi. . . hindi ko sinasadya. . . bebemahalko, patawarin mo na ako. . . please. . ." hinging-paumahin ni rommy kay kevin gamit ang malambing nitong boses.

bakas sa mukha nito ang sensiridad sa paghingi ng tawad sa nagawang pambubugbog kagabi sa karelasyon. mukha naman itong sising-sisi sa nagawa niyang kahindik-hindik na bagay kay kevin sa nakaraang gabi.

kumpara kagabi, ang mukha ni rommy ngayon ay kahalintulad sa isang maamong tupa na hindi mapaghihinalaang kayang gawin ang kaharasan na pinamalas kagabi.

hindi nagsalita si kevin, marahil pagod pa ito at iniinda pa ang sakit na nararamdaman sa kasalakuyan.

hinalikan ni rommy si kevin ng buong paglalambing at sabay niyakap niya ito ng mahigpit na wari mo'y sinasabi niya kay kevin na proprotektahan niya ito at hindi na gagawing muli ako nagawa na niya.

ngunit tilatuod si kevin na walang karea-reaction sa ginawa ng kapareha, napansin naman ito ni rommy at hindi siya tumigil sa paglalambing.

"bebemahalko, sorry na please. . patawarin mo na ako. . . diba sabi ko naman sayo noon na kapag ako'y lasing ay wag ka nang lumapit? ikaw naman kasi eeh, kung di ka nalamang lumapit kagabi at iniwan na lang ako. tignan mo tuloy nangyari sayo. . ." sabi ni rommy kay kevin na tila ito pa ang sinisisi sa kasalanang nagawa.

hindi na nakapagpigil si kevin at agad itong nagsalita.

"so, ako pa ang maykasalanan ngayon? ako pa ang sinisisi mo kung bakit nangyari sa akin ito? pagod na ako rommy, when will you stop hurting me? pagnapatay mo na ako? rommy hindi ka naman dating - - - -"

siniil niya niya ito ng halik upang putulin na at hindi na patapusin ang mahabang sinasabi ni kevin.

"sorry na talaga bebemahalko. . . please. . . patawarin mo na ako. . . promise babawi ako sayo. . ." sabi ni rommy

bromance: "CHANCE" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon