naging maayos ang lahat, na labis na kinatuwa ni kevin.
malaki ang pinagbago ni rommy, bumalik ito sa dating pag-uugali noong una silang magsama at magmahalan.
di pinagsisisihan ni kevin ang ginawang disisyon.
di siya nagsisising bigyan ng pagkakataong magbago ang binata.
di siya nagsisising alisin ang karapatan ni rommy magbago at maging mabuting tao.
dahil sa pagmamahal ni kevin kay rommy, nabigyan ng bagong bukas ang binata.
nadapa nga noon si rommy ngunit dahil sa kasintahan ay nakabangon siya at inayos ang kanyang nalugmok na buhay.
-sa terrace ng bahay ng magnobyo-
naghanda ng isang romantic dinner si rommy sa kanilang terrace para sa kanilang dalawa ni kevin.
masaya silang nagkwekwentuhan habang kumakain ng paburito nilang adobo at java rice.
pagkatapos nilang kumain ay naupo sila sa comforter na nilatag ni rommy sa kanilang terrace na nagsilbig sapin nila sa malamig na sahig.
may mga unan din sa gilid nila upang mas lalong mapasarap ang kanilang pananatili sa terrace nila.
naglabas ng wine si rommy, at pinagsaluhan nila ito ni kevin.
masayang masaya si kevin ng mga panahong iyon, kasing kislap ng kalangitang kanina pa niya pinagmamasdan.
nakatingala si kevin sa langit ng may dumaang shooting star.
labis niya itong kinatuwa, at tinawag niya ang pansin ni rommy.
"ROMMY!! may shooting star ooh. . . tara magwish tayo!!. . ." masiglang tawag ni kevin kay rommy na sa mga oras na iyon ay hindi nakatingin sa langit at wari mo'y may malalim na iniisip.
dahil sa pagkabigla ni rommy sa pagtawag ni kevin sa kanya ay nabitawan niya ang wine glass na hawak at natapon ang laman nito.
"oooopss. . . sorry. . ." tanging nasabi ni rommy at dali dali itong tumayo at kinuha ang basahan sa upuan malapit sa kanila.
pinunasan niya ang natapong wine at umupo ulit sa tabi ng kasintahan.
si kevin naman ng mga oras na iyon ay napatingin lamang sa kanya, ngunit sagklit lang ay naalala na nito ang shooting star na kanina'y nais ipakita sa kasintahan.
"rommy. . . ayun ooh. . . magwish- - - ay wala na. . . sayang naman di natin naabutan. . ." nanghihinayang na sabi ni kevin kay rommy habang pareho na silang nakatingin sa parte ng kalangitan na kanina'y tinuro ni kevin.