-ospital-
kinaumagahan ay nagising si martin dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng kwarto ni kevin sa ospital.
tinignan niya ang kaibigang nakahiga at mahimbing pa din ito'ng natutulog.
lumabas muna si martin upang pumunta sa kantina ng ospital para makabili ng makakain.
bumili siya ng sopas, kape at tinapay para sa kanilang dalawa ni kevin.
tinawagan na rin niya ang mga magulang ni kevin na nasa ibang bansa upang ipaalam na ok na ang anak nila, matapos ay bumalik na ito sa kwarto ni kevin.
pagkatapos ay bumalik na siya sa kwarto ni kevin, sakto namang kakamulat lang ni kevin ng mga oras na iyon.
lumapit si martin sa kanyang bestfriend upang kamustahin ang pakiramdam nito.
"mabuti naman ang gising kana best. . . ooh ano, kamusta na pakiramdam mo??" bungad ni martin sa kaibigan.
ngumiti si kevin, ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata.
"okay naman na ako bessy. . . salamat nga pala sa lahat ng ginawa mo matin. . ." namamaos na sabi ni kevin sa kaibigan.
bakas pa din ang lungkot sa mga mata ni kevin.
"marahil kung hindi pa kita nasaklolohan ay baka sa kabaong na pink na ang hantong mo. . ." biro ni martin sa kanyang kaibigan.
tumawa si kevin, ngunit halatang pilit.
nakaramdam ng awkwardness si martin dahil biglang silang natahimik sa loob ng kwarto, walang nais bumasag ng katahimikan.
dahil sa katahimikan naalala ni kevin ang sinapit niya sa kamay ni rommy, ang taong minahal niya ng lubos, ang lalaking naging mundo niya ng mahabang panahon, at ang lalaking dahilan ng pagluha niya ngayon.
di namalayan ni kevin na napaiyak na siya, ang buong akala niya ay katapusan na ng kanyang buhay ng mga oras na iyon, akala niya ay mamamatay na siya, ang akala niya ay babawian na siya ng buhay sa kamay ng malupit niyang kasintahan.
"marahil kung hindi ka pa dumating martin, malamang ay sa sementeryo nga ang bagsak ko, malamng ay hindi ko na makita ang mga taong mahal ko. . ." umiiyak si kevin habang sinasabi niya ito kay kevin.