chapter 8: kanpirm (confirm, true)

1.5K 14 1
                                    

lumipas ang mahabang panahon, iginugol ni rommy ang kanyang oras sa isang rehabilitation facilities upang magbago.

dahil sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya, malaki ang pinagbago ni rommy, naging responsable at makatao siya.

ayaw na nga niya lumabas dahil baka mabarkada nanaman siya at malulung nanaman sa masamang bisyo kagaya ng alak at sigarilyo.

ngunit alam din niya sa kanyang sarili na basta aalalahanin niya at isasapuso ang bagay na natutunan niya sa loob ng rehab ay siguradong makakapagsimula siya ng panibago at magandang buhay.

lingid sa kaalaman ni rommy ay naihanda na ni kevin ang lahat ng mga kailangan niya upang makapagsimula silang muli.

-rehab-

nananabik si kevin sa muli nilang pagkikita ni rommy, mahabang panahon din silang hindi nagkita mula noong masaklap na pangyayaring iyon.

naihanda man ni kevin ang sarili sa muli nilang pagkikita ay nakakaramdam pa din siya ng kaba.

napansin ni martin ang kaibigan na kanina pa hindi mapakali habang hinihintay nila si rommy sa waiting area ng rehab.

"are you really sure of it? buo na ba talaga ang desisyon mo?" pagtatanong ni martin sa kanyang matalik na kaibigan.

"yeah, i'm sure of it. . . everybody deserves a second chance my dear. . . lahat ng tao ay may karapatang magbago at magsimula upang baguhin ang buhay nila. . . kung tatanggalan natin sila ng karapatan magbago, mas lalo pa natin sila itutulak sa kinakatayuan nila ngayon. . ." sagot naman ni kevin sa kaibigan.

hindi na nagsalita si martin dahil napangiti siya dahil sa paghanga sa sagot ni kevin.

kung may bagay man si kevin na nais ni martin na magkaroon siya, ito iyong mga prinsipyo niya sa buhay at ang paninindigan nito sa mga paniniwala niya.

kinakabahan pa rin si kevin habang naghihintay sila ni martin sa waiting area, ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay ganoon din ang nararamdaman ni rommy habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng dalawa.

natulala si kevin ng makita niya si rommy mula sa pinto ng waiting area na ngayon ay papalapit na sa kanila.

ang mga maaamo nitong mata at labing kay-pula ang nagpapakisig sa binata na ngayon ay mas lalong kumisig sa malinis nitong postura.

"h-hi. . ." maikli at nahihiyang bati ni rommy kay kevin na may kasama pang matamis na ngiti.

"h-hi din. . . k-kamusta ka na? na-miss po kita. . . sobra. . ." nauutal tugon at pangangamusta ni kevin kay rommy.

ngumiti lang sila sa isa't isa.

magsasalita na sana muli si rommy ng umiksena na si martin.

"hey! tama na pagpapa-cute ninyong dalawa dyan. . . sa bahay nyo na iyan itoloy at nagugutom na si ako. . ." pang-aasar ni martin sa magkasintahan.

nauna ng naglakad sina kevin at rommy, habang si martin naman ay nasa likod nilang dalawa at nakatingin lamang sa pigura ng magkasintahang naglalakad, nagkwekwentuhan at magkahawak kamay pa.

masaya si martin sa mga nakikita niya, masaya siya para sa kanyang bestfriend.

'now, naniniwala na ako na TRUE LOVE REALLY EXIST in this world. . . and those guys are the living proof.' sabi ni martin sa kanyang sarili.

o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o

o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o

o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o-----o

A/N: vain!! nu bayan la ako maisip. . . ampupu!! la na ako mataktak sa utak ko. . . =____________=

btw, the next chapter is very sexual. . . wag mo po basahin kung di ka open-minded. . .

bromance: "CHANCE" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon