YUUKIE's POV
Sa tanang buhay ko ngayon ko lang ulit ito naramdaman. Yong buong- buo ako, ito ba ang kapalit ng mga kalungkutan at sakit na naramdaman ko?. Sana naman...
"My Queen lalim ng iniisip ah!"
"Natatakot kasi ako "-sambit ko.
"Saan? "-kunoot-noo niyang tanong.
"Sa atin, sa lahat ,sa mga nangyayari. Kasi naman tatlong buwan na puro masasayang araw at event ang nangyari. Diba kapag may masasayang happenings panigurado ang kasunod nito lungkot"-paliwanag ko.
"Wag ka ngang mag-isip ng negative be positive baka naprapraning ka lang "-litanya niya at hinalikan ako sa pisngi at sinuotan ng singsing.
"Para san ito? "
"Couple ring maganda ba? "
"Oo thanks my King "-pinakita niya yong sa kanya na suot- suot niya.
"Baka naprapraning nga lang ako.. Tara na nga sa room "
Pagpasok namin sa room..
"Good morning Queen Yuukie!"-at isa isa nilang binigay ang tatlong red roses and 1 box of chocolates .
"Nagustuhan mo ba my Queen "-nakangiti niyang tanong.
"Kelan ba hindi my King "-ginawaran ko siya ng isang matamis na halik sa kanyang pisngi.
"Isa pa nga sa lips naman "-sabay turo sa mapula niyang labi.
"Tama na yan magklaklase na "-Zaynder
"Zaynder naman panira ka ngay!"-Drake.
"Hahahaha ang cute mo talaga my King"
"Date tayo mamaya"-Drake.
"Di pwede... Did you forget already may date tayong magbabarkada"
"Aiy asar naman "-nakapout na sambit ni Drake.
@ Estrella Resort
ZAYNDER's POV
"Akalain mo babalik tayo dito na may mga kasamang couple"-sabi ko kay Clyde.
"My princess kung naiinggit ka sabihin mo lang kay kuya hahanapan kita ng prince mo "-nakangiti niyang sambit at ibinaba na ang maleta namin sa van.
"Kuya naman eh!!"-maktol ko.
Simula nong comfortable na ang feeling ko sa kanya I allowed him to call me Princess. And he really acts like a true brother to me. I wish siya nalang naging kuya ko.
"Asus! kuya, Princess kayo diyan aminin niyo na kasi may gusto kayo sa isa't- isa "-pang- aasar ni Kayrel.
"Wala! "-sabay naming sigaw ni Clyde.
"Pabayaan mo na nga lang sila love istorbo ka kasi diyan"-Reed.
"Anong sabi mo? Ako istorbo ha "-mabilis na tumakbo si Reed sa loob at nauwi sa habulan ang peg nila.
"Talagang gusto nilang magkatuluyan tayo "-sambit ko.
"Hayaan mo nalang sila Princess masyado kasi silang inlove kaya hindi nila maramdaman ang nararamdaman natin"-Clyde.
"Tama ka diyan kuya, Wag kang mag- alala hahanapan kita ng mapapangasawa mo hahaha! "
"Promise? "
"Oo naman Promise "-sabay na kaming pumasok sa Resort.. At nong sumapit na ang gabi nagbonfire kami sa labas nagkwentuhan ng mga kalukuhang ginawa namin at naglakad lakad din kami sa tabing dagat.
"Princess tara na sa loob"-tumango naman ako. Hinatid narin niya ako sa kwarto ko.
CLYDE's POV
Pagkahatid ko kay Zaynder sa room niya nagpunta muna ako sa garden ng resort.
"Alam ko buhay pa siya nararamdaman ko. Hindi ako susuko mahahanap ko rin siya "-tumitig nalang ako sa kalangitan.
"Pwedeng makiupo"
"Oh Ikaw pala Yuukie. Sige! "-umusog ako ng konti.
"Bakit gising kapa asan si Drake?"
"Nong makatulog na siya iniwan ko na sa room niya"-Yuukie.
"Bakit ka napadpad dito?"
"Gaya mo Mag- iisip din"
"Gaya ng? "
"Kung bakit puro nalang saya ang nararamdaman ko.Kahit na sinabi ni Drake na baka naprapraning lang ako, hindi parin ako mapanatag. Natatakot kasi ako sa mga pwedeng mangyari. Gusto kung umasa na hindi na mauudlot ang sayang nararanasan ko ngayon "-Yuukie.
Natahimik kami pareho nararamdaman ko ang takot at bahid ng lungkot sa mga mata niya. Yan din ang nararamdaman ko ngayon lungkot na baka wala na siya, at takot na baka totoo ang sinabi nila mommy na patay na siya.Pero patuloy parin nilang hinahanap ang kapatid ko.
"Ikaw ano iniisip mo ? "-nagulat ako sa tanong niya ngunit, agad rin akong nakabawi.
"Iniisip ko kung buhay pa talaga ang kapatid ko. Pero kasi malakas ang kutob ko na buhay pa siya "-at inilabas ko sa bulsa ko ang kwintas na susi ang pendant.
"Talagang matiyaga ka, Ano yan? "-tanong niya.
"Necklace bigay ito ni mommy at daddy sa akin nong one year old ako tig- isa kami ng kapatid ko yong pendant nong sa kanya ring na heart parang locket na may lock "
"Wow ang galing siblings pendant.Ibig mo bang sabihin yong pendant lang ang basihan mo para mahanap siya? "
"Ganon na nga"
"Pahiram ako ng necklace mo "
"Bakit? "-nagtataka kung tanong.
"Tutulungan kitang hanapin ang kapatid mo. Wag kang mawalan ng pag-asa "-sabi niya.
Kahit naguguluhan ako kung paano niya magagamit ang kwintas ko sa paghahanap sa kapatid ko binigay ko pa rin sa kanya may tiwala kasi ako kay Yuukie.
"Salamat "-pagakatapos ng kwentuhan namin nagpunta na kami sa room namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/11006823-288-k794545.jpg)
BINABASA MO ANG
MISS LOVE HATER IS LOVABLE
AcakAng storyang ito ay naglalaman ng magulong bakbakan at kaganapan sana hindi malito ang mga magbabasa nito.Mayron din mga masasamang salita na di karapat-dapat e-apply sa totoong buhay.Kailangan ng malawakang pag-unawa sa pagbabasa nito at kung mabo...