BASUREA 14

155 24 8
                                    

Brgy Ibaba Coverd court..

Pag labas namin sa coverd court nila Tatay at Leng.. may dalawang medic ambulance na sa labas at ginagamot na ang mga basketball players ng Karuhatan.. Mabuti na nga lang ay hindi malala ang mga na tamo nila sa mga taga Lawang bato.. Puro mga pasa at sugat lang, Maswerte na rin dahil wala rin namang nabalian ng buto sakanila..

'Tay mauna na po kayong umuwi.. Punatahan lang namin sila Marlon..

Sabay ang aming pag hinto sa pag lalakad ng sabihin ko iyon sa kanya..

'Sige basta wag ka yong magpapa gabi huh?? Nasa akin narin yung bayad nila Marlon at Kalvin sayo... Dinagdagan pa iyon ni Boss dahil sobra shang nag papasalamat sa ginawa mu.. Ginulo pa ni Tatay ang buhok ko.. Sige na Mauna na ako at mag ingat kayo ni leng..

'Ingat din po kayo Tay!..

Nang maka alis na si Tatay ay hinanap na ng aking mga mata sila Marlon at Kalvin.. Mejo nahirapan lang ako dahil ang ibang fans ng taga Karuhatan ay nandirito pa rin.. Pinag mamasdan nila sa malayo ang mga ginagamot na manlalaro ng mga taga Karuhatan.. Alam kong hindi rin maalis sakanila ang sobrang pag aalala dahil nakita nila kung paano mabugbog ang kanilang mga iniidolo..

Nairita pa ako ng humarang pa ang mga ito sa gitna kung saan ako naka tingin..

'Dun nga tayo Mi! Hatak ko sa kamay ni Leng pero naka tutok parin ang paningin ko sa mga tao.. Lakad-tingin kaming pareho na halos mahilo na ako kakahanap sa mga kaluluwa ng dalawang iyon..

'Hello po Ate Ganda..

Naka rinig ako ng boses malapit samin ni Leng pero hindi ko iyon pinansin baka may nag uusap lang sa tabi namin.. Patuloy parin ako sa pag hahanap kela Marlon nang kalabitin ako ni Leng..

'Mami!!

'Oh Bakit.. lingon ko.. Nahanap muna sila?? Sabi ko ng mabaling agad ang paningin ko sa apat na Babaeng may mga dalang pompoms., may bitbit rin itong malaking pulang box,. Pinag tataka ko lang kung bakit naka tingin ang mga ito saken??.. Tanda ko pa ang mga itchura nila dahil sila yung katabi kanina ni Leng na mga Fans ni Marlon..

'Ate Ganda.. Lumapit pa ito samin ni Leng.. Hinintay ka talaga namin dito sa labas para mag pasalamat sa ginawa mung pag ligtas kela Marlon at Kalvin.. at sa buong Team na rin ng Karuhatan

'Napaka astig mu Ate Ganda.. Para kang isang super Hero.. Sabat rin ng kasama nila..

Nahiya pa ako sakanila ng mag pasalamat ang mga ito sakin.. wala tuloy akong masabi kundi ngitian na lang muna sila..

'Ate Ganda.. May ibibigay po kami sayo.. Dapat ibibigay namin talaga ito ke Marlon pero mas pinili namin na sayo na lang ito ibigay..

Nanlaki pa ng bahagya ang mga mata ko ng i-abot nila sa akin ang malaking kahon na kulay pula.. Naka ribbon pa ito..

'Naku w-wag na nakaka hiya naman sa inyo..

Tanggi ko sa kahon na inaabot nila saken pero pilit parin nila iyon ibinibigay saken

'Ate Ganda please tanggapin muna po.. Sobrang saya lang po namin dahil sa ginawa ninyong dalawa.. Ma luha-luha pa niyang sabi.. Kung wala po kayo dun  siguradong bugbug sarado sila Marlon.. Napaka hayup kasi ng Sebastian na yun Ate Ganda.. marami po talagang nakaka away yun!. Dagdag pa niya na may halong inis

'Taga Lawang bato ba sha?? Tanong ko sa kanilang apat..

'Opo Ate Ganda.. Ewan ko ba kung bakit sinali yung Sebastian na yun.. Kung pwede naman kumuha sila rito sa Brgy Ibaba..

'Ano kaba Jade may kaya ang pamilya nila Sebastian! Malamang nag bayad yun ng malaki para lang makapag laro..

Sabat ng isa pa nilang kaibigan.. Mukhang marami silang kilalang basketball players.. Pero ngayon ko lang nakita yung si Sebastian..

JUST FRIENDS GAYxBOY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon