LAVINIA POV 🙋
'Mami!! Look oh ang ganda! Hinto ko sa pagkakalkal ng basura ng makita ko ang hawak niyang shoulder bag at pigtas na ang hawakan nito. Kaya ang hawak kong sakong may laman na kalakal ay nabitawan ko sa pagkamangha ng makita ko yun
'Wow saan mu nakuha yan Leng?
'Dito sa sako oh ang dami kaya
Lapit ko ke Leng at katabi niya ang sako na sinasabi nito saken..
'Wow ang daming bag ang swerte natin Mami, nag apir pa kaming dalawa sa tuwa hawak ang sakong nag lalaman ng maraming bag na puro's pambabae, 'Uwe na kaya tayo para magamit natin ito sa pag rampa natin mamaya? Ano sa palagay mu??
'Hindi ba muna natin i-chechek yung laman Mami baka mamaya puro sira ang iba jan, ee andami pa naman nito at ang bigat pa..
'Kung iisa isahin pa natin susurin ang mga na nasa loob ng sakong ito baka abutan pa tayo rito ni Brijitt.. Si Brijitt Macalantong ang baklang karibal namin sa pamamasura dito sa isang malawak na subdivision.. Mayayaman kasi halos ang mga naka tira dito, at dito rin nangangamuhan ang Nanay ni Brijitt at ang kapatid ko naman ay security guard dito sa subdivision na ito.. sa madaling salita malaya kaming tatlo na nakakapasok sa lugar na ito para lang mangalakal..
'Sa bagay tama ka napaka inggitera pa naman ng kuba na yun! Buti na lang at absent sha hahahaha! Malas niya at tayo ang naka jackpot nito..
'Gora na Mami at bilisan na rin natin umuwe at baka maabutan tayo ng baklang kambing! Pushh!!
Pinag tulungan na naming bitbitin ang sakong iyon dahil me kabigatan rin sha.. Pero push lang ang mga bayot at Hindi na namin ininda pa ang bigat nun dahil tuwang tuwa pa kaming dalawa habang papalayo sa basurahan na akala mu ay naka pag shopping sa mamahaling Mall.. Pero naudlot ang aming magandang mood ng makita namin si Bakekang este si Brijitt pala na may dalang sako bag, Huminto ito sa aming harapan at naka krus pa ang mga kamay nito, Hindi rin nag pahuli ang naka taas na kilay nitong namimintas na parang akala mu ay tagapag mana sha ng mayayamang angkan sa mundo kung umusta, kulang na lang ay duraan niya kami ee..
'Ano naman yang dala nyu!? At mukhang napaka saya nyung dalawa??
Hakbang nito papalapit samin at kami namin ay paatras.. khit sa malayo kasi maamoy mu yung hininga niyang amoy kanal,
'Malamang edi kalakal! Ano pa bang dapat maging laman nito ginto? Sarkastikong sagot ni Leng ke Brijitt pero mukhang nag hihinala sha sa dala namin kaya hindi ito umalis sa kinatatayuan niya,
'Wag nyu akong gawing tanga Lavinia at Leng hindi ako aabot ng grade-6 kung magiging uto-uto ako kagaya nyu.. oh baka gusto nyung isumbong ko kayo ke Mama na ipatanggal ang kuya mu rito ng mawalan sha ng trabaho!?? Gusto mu ba yun Lavinia!!??
Lagi kasi niya yun pina- ngangalandakan samin na umabot sha ng grade-6 at kami ay hanggang grade-4 lang ni Leng.. Pero hindi naman kami kasing bobo niya, Feeling brainy kasi itong kuba'ng ito ee.. lagi kaming minamaliit ng bespren ko kesho umabot sha ng Grade-6 ee hanggang dun lang naman ang natapos niya, Wala na rin kaming nagawa dahil ayoko rin matanggal si kuya sa trabaho niya lalo pa at masosolo ng kuba na ito ang buong subdivision sa pangangalakal, Amo kasi ng Mama niya ang may Ari ng subdivision na ito kaya malakas ang loob niyang mag salita samin ng ganun-ganun lang.
Pagkababa namin ng sako mabilis niyang tiningnan ang laman nun at ganun na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata sa gulat,
'Jusko panget na nga lumaki pa yung mata'
Nahinto agad ang kanyang pag halungkat sa sako ng marinig niya ang sinabi ko,
'Manahimik ka ngang pilay ka!
BINABASA MO ANG
JUST FRIENDS GAYxBOY
Подростковая литература⭐BASURERA SERIES⭐ ❤️(COMEDY-ROMANCE)❤️ 👉SLOW UPDATE 👈 Ang Alamat ng Pipino at sibuyas, bawang at luya, kundol at patola.. 6:36AM 6/16/20