LAVINIA POV
Dahil sa nakabalik na sa trabaho si Kuya Salt, Balik Munomento ulit kami ni Leng,. Mahirap na at baka mag tagpo pa ang landas namin ni Vanessa sa Sabdii at hindi ko mapigilan ang sarili ko na isilid sha rito sa hawak kong sako at itapon sha sa ilog!. Naiisip ko pa lang yun Nanggigigil naku sa babae-tang yan!
Cut topic muna tayo ke anghit at ilihis muna natin ang landas sakanya at baka masira ang mood ko..
Si Kuya Jin naman nandito paren sha sa pinas at hindi ito umalis dahil inaasikaso niya ang kuha sa CCTV tulad ng pinag usapan nila ni Kuya Salt, Gusto daw niyang ipamukha sa kapatid niyang si Vinz na wala daw akong kasalanan, Kundi ang girlfriend niyang hindi kumikilala ng deodorant,. Dagdag pa ni Kuya Salt kapag oras na matapos ma review ang CCTV ay uuwi din daw sha agad..
Kaya habang wala sha dito ay dito ko ulit naisipan mangalakal kesa dun sa kanila,. Baka mangyari ulit ang rambulan at ako na naman ang sisihin.. mas okay na lang na umiwas, baka mag level up ang magawa ko sakanila at hindi na bugbug ang maibigay ko, kundi pag kitil na ng buhay, Hahah echos lang hindi ko magagawa yun.. sakal na lang siguro ano?? hanggang sa malagutan ng hininga hahahaha.
Natawa pa ako ng bahagya habang nag lalakad kami sa gilid ng kalsada ni Leng, Tumingala pa ako sa kalangitan ng mapansin kong tila dumdilim ang kalangitan, Patuloy lang kami sa paglalakad ng mapahinto ako sa sinabi ni Leng,.
'Mi baka malaman ni Kuya Salt na dito na naman tayo na nangangalakal, Magagalit yun malamang satin..
Atsaka ko sha inambahan ng konyat si Leng at napailag ito sa aking ginawa
'Magagalit yun kung ititikom muyang bibig mu!! Paka daldal mupa naman!
Nguso pa niya
'Hoy alalahanin mu nandito si Kuya Jin! Pag hindi tayo nakita nun sa sabdii ikaw ang sisihin ko!!
'Tigilan mu ako Leng aa! Gusto mu lang makita ang Koryanong yun ee! Kilala ko na kasi ang kalandian nito lalo kapag nandito ang lalakeng yun.. daig pa ang inaasinan,. Samantalang dati kuntento nasa malayo makita lang ang Crush niya.. Ngayon panay ang dikit ang haliparot natuh!
'Hoy Hindi aah!! Pag didinay pa ng Putakteh..
'Suss.. siguro naka score na yun sayo!!
Gigil ko
'Grabii ka saken Mi! Bago sha maka score dapat ako muna! Eeeeeeii kinikilig pa ang gagu kulang na lang tumambling sha sa gilid ng kalsada,
Sabay kaltok ko ng totoo at napanguso ito ng mahaba
'Bakla ka ng riles hindi kapa nga tumutungtong ng dise-otso nag babalak kana agad.. Disi-shete kapa lang tas ang edad ng lalakeng mumukbang sayo Bente siyete ang edad,.
'Bakit gwapo naman si Kuya Jin aa?? Lugi paba ako dun?? At isa pa Mi!! May kasabihan nga na Age doesn't matter.. Eeeeeeeeeiii!
Napa rolyo ng sampung beses ang mga mata ko sa gigil.. Feeling ko nahigitan ko na si Brijitt sa katarayan.. 'Haizzz Ayoko ng makipag talo dahil hindi na rin ito makukuha ng paliwanagan ang baklang pusit natoh! Sarap mamulot ng bato ngayon at isalaksak sa bibig niya ng manahimik, Hindi na uubusan ng dahilan ee!
Sa kalagitnaan ng aming pag lalakad biglang bumuhos ang malakas na ulan..
'Kyahhhhhh
Nag tilian kaming dalawa at nagtatakbo para makahanap kami ng masisilungan, at dun kami napadpad sa 7-Eleven, Para kaming basang sisiw ni Leng.. 😩😩 nang marating namin iyon Pumwesto kami sa may gilid ng pintuan dahil may mga nag titinda kasi sa bawat sulok ng 7-Eleven,.
BINABASA MO ANG
JUST FRIENDS GAYxBOY
Teen Fiction⭐BASURERA SERIES⭐ ❤️(COMEDY-ROMANCE)❤️ 👉SLOW UPDATE 👈 Ang Alamat ng Pipino at sibuyas, bawang at luya, kundol at patola.. 6:36AM 6/16/20