Nang matapos ang aking pananghalian ay agad na akong lumabas ng aming bahay para mag paalam na rin ke Tatay, Nasa labas ito ngayon at abala sa panghihilot, Ganitong oras kasi may mga costumer's na shang nag hihintay sa labas, lalo kung marami, kung kakaunti lang sa bahay namin..
Itinuon ko muna ang paningina ko sa aking mga paa, sapagkat kelangan kong mag ingat sa bawat ihahakbang ng aking mga paa'ng hindi pantay dito sa
mababang tulay na daan na gawa sa kahoy dahil ang ilalim nito ay may maruming ilog na puno ng basura, Ganito na kasi ako sa araw araw kapag lalabas ako ng aming bahay.. Ilan beses na kasi akong naaksidente dati rito nung bata pa ako kapag binabaktas ko ang futangenang daanan natuh, Ngayon wala ng aksidenteng nangyayari, Pero may mga oras talaga na natatalisod ang bakla kaya ngayon maingat na si ako heheh...
.
.'Tay!
Sigaw ko sa kanyang pwesto sa may gilid ng tindahan ni Aling Linda, Naka upo ang Tatay ko sa mahabang upuan na gawa sa kahoy habang hinihilot niya ang likod ng matabang lalake, Lumingon ito ng marinig niya ang boses ko pero tuloy lang kanyang ginagawang pagkatay sa matabang lalake,
'Oh Lavinia aalis kana ba??
'Opo Tay anong oras na rin at kelangan ko ng lumarga, baka sinisimut na ni Brijitt yung mga kalakal sa Subdivision ee at tira tira na lang makuha namin ni Leng..
'Oh sha lumarga kana gurl wag kayong mag papa-gabi huh!??
'Opo Tay!
Nag flying kiss pa ako ke Tatay bago ako umalis saka patakbong pa ika-ika ang bakla sa kalagitnaan ng riles.. Nang nasa tapat na ako ng maliit na basketbolan nakita ko na si Leng kumakain ito ng fishball..
'Mami fishball oh!
Abut niya ng plastic cup na may laman na fishball at may nakahalong sawsawan na ito sa loob,
'Mamsh kakatapos ko lang kumain baka maka igit na ako sa daan sa kabusugan, Halika kana at baka niyuyurakan na ni Brijitt ang mga kalakan doon..
Madali kaming umalis sa lugar na iyon, Pero habang nasa daan pa lang ang mga baklang basurera ay pinupulot na rin namin ang pwedeng maibenta,
kapag nadadaan nga kami sa mga tambak na basura, Hindi namin yun pinapaligtas ni Leng at chinichek yun agad bawat sako at plastik na may laman na basura, sakto nga at hindi pa ito nagagalaw ng ibang nangangalakal kaya naka kuha kami ng sirang timba, upuan at Termos,
Nang matapos makalkal lahat ng basura sa sako ay nilisan namin ang tambakan ng basura na ganun ang ayos at hindi makalat nang sagayon ay hindi kami mapagalitan ng may ari... nakaugalian na namin iyon ni Leng..
.
.
.'Kuya!
Tawag ko sa aking kapatid at nasa labas ito ng guard house at parang kakaumpisa pa lang nitong kumain ng kanyang pananghalian, Huminto si Kuya sa kanyang pag subo ng makita niyang papalapit na kami ni Leng..
'Oh mukhang late ata kayo?
'Ee shempre nag hanap pa kami ng pandagdag dito sa kalakal namin.. Nanjan naba si Kuba sa loob??
'Oo kanina pa! Kaya lumarga na kayo baka wala ng matira senyo sa loob,
Takbong kabayo ang dalawa sa kalsadang simento at patungo sa magagarang bahay na may Outdoor garbage bin, ang ilang naman ay gumagamit ng Trash recycle bin para hindi mag halo halo ang mga nabubulok at d' nabubulok,
'Mami mukhang masisiro ata tayo ngayon??
Kamot ng ulo ni Leng ng maisara ang takip ng basurahan,
BINABASA MO ANG
JUST FRIENDS GAYxBOY
Dla nastolatków⭐BASURERA SERIES⭐ ❤️(COMEDY-ROMANCE)❤️ 👉SLOW UPDATE 👈 Ang Alamat ng Pipino at sibuyas, bawang at luya, kundol at patola.. 6:36AM 6/16/20