BASURERA SIX

177 27 1
                                    

Lavinia POV

Maaga pa lang nasa palengke na kaming tatlo para bumili ng ipang reregalo ke Vinz.. habang nasa gitna kami ng daan sa riles nag tatanungan na kaming tatlo kung ano ba ang bibilhin namin para ipang regalo..

'May ideya naba kayo kung ano ang bibilhin nyo?? -Tanong ni Leng

'Wala rin akong maisip, pero siguro naman makaka hanap tayo sa palengke -Sabat ni Brijitt

'Sana nga.. Ee kaso Okay lang kaya ke Vinz kung galing sa palengke yung ipang reregalo natin sakanya.. parang nakakahiya ano??

'Oo naman! Mabilis na sagot ni Brijitt. Nag regalo na ako dati sakanya at galing iyon sa palengke..

'Talaga?? Hindi makapaniwalang sagot ni Leng. Ano naman ni regalo mu??

'Ano lang.. Isang kahon na puto.. yung tag wa-wan eyti pesos.. peyborit niya yun.. at saka wag nyung isipin na hindi niya tatanggapin ang ireregalo natin sakanya.. kahit nga wala okay lang ke Vinz.. basta maka dalo ka lang sapat na iyon..

'Wow talaga?? Hindi makapaniwalang sagot ko.. ibig sabihin pala nakaka dalo  na sha sa kaarawan ni Vinz.. Ano kayang magandang iregalo sakanya?? Tanong ko sa aking isipan..

Nahinto ako sa pag iisip ng masalubong namin sa daan si Sadam.. isa sa mga kababata namin at may gusto ito ke Leng.. Payatot ito at ubod ng itim..

'Hi Leng saan kayo pupunta?? Ngiting ngiti niyang makita si Leng..

'Sa palengke.. Bakit mu natanong??

'Wala.. Pwedeng sumama??

Tingin pa niya sa aming tatlo.. pero inis itong sinagot ni Brijitt.. alam muna man na maldita itong kubang ito..

'Hoy Sadam for girls lang ito! Maya pagkamalaman pa kaming sindikato dahil kasama ka pa naman namin! Pagtataray ni sangre pirena

'Grabii ka naman saken Brijitt.. Hindi naman ako magiging pabigat senyo kapag sumama ako.. Baling pa niya ng tingin ke Leng na parang nag mamaka awa..

'Hoy anak ng bulkan! Iritableng tawag niya ke Sadam.. Pag sinabi kong for girls only lang dapat makinig ka?? Balugang toh!

'Makasabi ka sakin ng baluga Brijitt parang hindi ka maitim huh!!?

Sinabunutan agad ni Brijitt si Sadam dala ng pagkainis.. dahil dun pasimple ang pag tawa namin ni Leng at baka madamay kami sa galit ni Brijitt..

'Hindi ako maitim Sadam! Brown ang kulay ng skin ko.. Brown! Hindi tulad ng sayo! Kutis libag! Subukan mung sumunod samin at ihahagis talaga kitang payatot ka!!

Walang nagawa si Sadam kundi ang ngumuso na lang.. Hindi niya kasi kaya ang laki ng katawan ni Brijitt.. Baka isang dambaham lang sakanya nito at mai- stroke na sha agad..

'Sige na dito kana lang.. sa susunod kana lang sumama.. Pag papagaan niya ng loob ke Sadam..

'Talaga.. Pramis yan aa?

'Oo pramis.. Sige na mauna na kami baka dumami na ang mga tao sa palengke ee.. Nag mamadali rin kami

'Sige! Sige! Sabay ng kanyang pag tangong sagot.. Ingat ka Leng huh!

.
.
.
.
.
.
.
.

Madali na kaming umalis pag katapos makausap ni Leng si Sadam..

Nakarating naman agad kami ng Palengke nang wala pang sampung minuto.. Kaya buti na lang at hindi pa gaanong matao ng makarating kami ang hirap din kasi pag siksikan...
Una namin sinuyod ang mga nasa bungad na tindahan.. May mga tindang mga Damit na pumepresho ng Singkwenta pesos hanggang Dalawang daan..

JUST FRIENDS GAYxBOY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon