BASURERA 13

192 25 23
                                    

LAVINIA POV

Alasingko na ng hapon hindi parin namin natatapos ayusin ni Leng itong bahay-bahayan na sinira ng bagyo.. Bubong na lang aming ginagawa at matatapos narin ito,.. Tumagal lamang iyon dahil mga basa pa kasi ang mga flywood na mag sisilbing bubong ng aming bahay bahayan .. Yung dating bubong kasi nito ay hindi narin pwedeng gamitin dahil winasak iyon ng malakas na hangin.. kaya mag uumpisa ulit kami sa bago..

Mabilis kong dinampot ang panibagong flywood na binilad namin ni Leng sa arawan.. Nang makuha ko ang flywood ay agad ko namang ipinatong sa katabi rin nitong flywood.. Patong patong narin ang iba dahil magkakaiba kasi ang mga sukat ng bawat flywood,. May malalaki at may maliit,

Habang tutok ako sa pag aayos nun ay saka naman biglang sumagi sa isip ko ang ginawang pag halik saken ni Kuya Salt.. Nawala tuloy ang aking konsintrasyon sa pag aayos ng bubong at napaisip tuloy ako ng malalim..

Kasabay ng pagkagat ko sa ibaba ng aking labi...

'Mi!.. Anyare sayo?? Titig pa ni Leng saken ng mapansin niya na tila malalim ang aking iniisip..

Humugot muna ako ng malalim na hangin para sa katanungan niyang iyon.. Ayoko naman mag sinungaling sakanya  dahil patakaran namin dalawa na walang mag lilihim samin..

'Leng.. Anong pakiramdam nung hinalikan ka ni Jin??

Yun na siguro ang tamang tanong para masagot niya ako dahil  gusto ko rin malaman kung anong pakiramdam niya nung hinalikan sha ni Kuya Jin..

'Edi shempre kinilig ako! Aniyang napapangite sa kanyang sagot.. Alam kong kinikilig sha sa katanungan kong yun..

'Tapos?? Sunod kong tanong

'Kinabahan ng sobra.. Tas nag hahalo-halo na yung pakiramdam ko.. Basta ang hirap ipaliwanag ee.. ummm.. Teka bakit mu nga pala na tanong Mi??..

Ngumiti pa ako ng bahagya ng hindi parin niya mahalata ang aking pinaparating.. dapat gets niya na yun dahil bespren ko sha. Kaso sadyang slow talaga itong baklang kanal natoh..

'Ee kasi hinalikan ulit ako ni Salt..

Nagkatitigan pa muna kami ng ilang segundo..

'Ano?? Mabilis shang nag reak ng sabihin ko iyon ke Leng.. tapos lumapit ito sa aking kinatatayuan na para bang hindi na kuntento sa sagot ko.. 'Kaya mu ba tinatanong saken huh?? Excited na tanong niya saken.

'Oo!!.. Gusto ko lang kumpirmahin dahil yung mga sinagot mu.. eee.. wala ni isa akong naramdaman..

Balik ko sa aking pag aayos ng bubong..

'Talaga??.. Ang weird mu talaga Mi?? Ano sapalagay mu may gusto kaya sayo si Salt??

Titigan ulit naming pareho.. tas sabay natawa sa tanong niyang malabo pa sa tubig kanal..

'Ako magugustuhan ni Salt ?? Hahah Malabo yun Mi?.. at isapa para ko lang shang kuya noh!

Yun na siguro ang magandang sagot ko ke Leng kahit ramdam ko iyon na nga ang ipinaparamdam saken ni Salt.. Kasi Hindi naman kami na babagay lalo na sa antas ng aming pamumuhay.. isang malaking kahihiyan iyon sa kanilang pamilya at sa career ni Kuya Salt, kapag nagka taon na malaman sa publiko na may nagugustuhan shang baklang hampas lupang kagay ko.. pwedeng masira ang kanilang pangalan at pag piyestahan ng media.. Ayoko naman mangyari iyon ng dahil lamang saken..

'Ee papaano kung may gusto nga sha sayo??

'Ako na ang iiwas.. Matuto tayong lumugar Leng? Masaya na ako na may kaibigan tayong tulad nila..

'Parang sinabi muna rin na iwasan ko na rin si Jin.. Ganun ba yun Mi??..

Natawa pa ako ng makita ko ang pag busangot ni Leng.. 'Hindi sa ganun.. Shempre pwede naman maging kayo ni Jin.. pero si Salt ibang level ang yaman nila kumpara ke Jin noh?? Gets mu ba Mi??

JUST FRIENDS GAYxBOY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon