Pasado alastres na ng hapon ng magising kami ni Leng, Ee paano ba naman mag aalas kwatro na kami naka uwe ng bahay kaya heto at hindi na kami naka pangalakal pa, Tumambay na lang muna kami rito sa likod bahay ni Baleleng.. Mas okay kasi dito mapayapa at mahangin,
Malilibang kapa dahil maraming puno rito at mga ibon, Marinig mu nga lang ang mga huni nila nakaka rerelax na.. katulad ng tinatambayan namin ngayon ni Leng dito sa may puno ng Aratilis, Nasa taas kami ngayon ng puno at namimitas ng bunga..
'Mi.. Sana tama ang ginawa ni Vinz na makipag balikan sa Ex niya.. kasi kung sa iba yun baka malabo na..
iling pa niya habang sumusubo ng Aratilis,
'Eee.. Shempre mahal pa niya si Putok kaya nakipag balikan sha..
'Sabagay baka hindi pa sha nakaka moveOn sa taong yun.. Pero kung ikaw Mi.. Makikipag balikan kapa ba kahit niloko kana??
Ngisi naming pareho ng maisip niya iyon,.
'Malamang hindi! Niloko kana nga tas bibigyan ko pa sha ng second chance.. no way! Mag tawas muna sha!
😁😂Hahaha tawa naming pareho😁😂
Eeh kung ikaw?? Balik ko ng tanong sakanya.. Kunwari naging kayo tas niloko ka ni Jin kagaya ng ginawa ni Putok gorl,. Bibigyan mupa ba sha ng chance?? Hindi o Hindi?? Kinikilig pa sha ng itanong ko sakanya iyon..'Ihhhhh!! Nakakainis ka naman Mi! Hindi naman ako papatulan ni Jin ee! Alam mung Babae ang typ nun!
'Halimbawa lang naman Putakteh ka! Sigaw ko pa at hindi paren mabawasan ang kilig nito, Kala mu inaasinan ee!
'Shempre Oo.. Makikipag balikan ako! Ano kaba?? Ihhhhhh sabay tili ng Putakteng toh! sarap niyang ihulog ngayon para makita ko kung paano sha malalagutan ng hininga..
Natahimik kami saglit ng maubusan kami ng nginunguya.. kanya-kanya muna kami ng pitas ng bunga.. at ng makarami na balik pwesto ulit sa sangang inuupuan,
'Oh kumusta yung Bag pangmayaman mu?? Pinakita muna ba sa mudra mu??
Iba ko ng topic-
'Oo Mi! Kahit nga si Tatay sobrang humanga ng makita yung bag na niregalo saken ni Jin ee., Sabi nga ni Tatay kung magkano daw iyon kapag isinangla..
Naloka pa ako mg marinig ko ang sinabi ni Leng.. Mukhang binabalak pa ata ng Tatay niya na isangla yung bag.. Aba matindi!
'Bakla ka ng riles! Pag sinangla nyu yun magagalit sayo si Jin! Hindi ka nag iisip?
'Ee biro lang naman ni Tatay yun ee.. At isapa hindi ako papayag na isangla niya yun noh? Iyon pa nga lang ang unang naibibigay saken ni Jin tas hindi ko pa pahahalagahan.. Edi nagalit saken yun! Ngumuso pa sha
'Dapat lang! Dahil kapag ginawa mu yun isusumbong kita ke Jin Putakteh ka!!
Bato ko sa kanya ng kapirasong bunga at tumama ito sa mukha niya..
'Grabi ka sakin Mi! Kahit nag hihikahos na kami hinding hindi ko yun isasangla noh! Ihhhh gwapo niya kagabi.. Aniyang Kinikilig na si Leng..
'Napapansin ko nga panay ang dikit niya sayo ee.. at lagi kanyang pinag mamasdan? Siguro may gusto na sayo yung koreanong yun ano?? Hmm..
'Parang napaka imposible naman yata yang iniisip mu Mi! Si Jin mag kakagusto saken?? Hahah Lasing lang yun kaya makulet..
'Hindi rin noh! Sino ba naman ang taong mag reregalo kahit tapos na ang birthday? Helloo.. Mag isip ka nga?
'Ee bakit ikaw niregaluhan ka rin naman ni Kuya Salt aa!! So ibig sabihin may gusto rin yun sayo!
Sabay batok ko sa ulo niya..
BINABASA MO ANG
JUST FRIENDS GAYxBOY
Teen Fiction⭐BASURERA SERIES⭐ ❤️(COMEDY-ROMANCE)❤️ 👉SLOW UPDATE 👈 Ang Alamat ng Pipino at sibuyas, bawang at luya, kundol at patola.. 6:36AM 6/16/20