Seduction 31: Valentine's Date

23.9K 319 13
                                    

Bernadeth's POV

Ready na ako for my date today pero hindi pa rin ako nalabas nang room ko, ayaw ko lang siguro makita si Gilbert. I asked permission to him na lalabas ako sabi nia ok lang kaya bilang bawi sinabi ko sa kanya na pwede niang idate mga anak namin but he said Dyzel invited our children to go with them in Tagaytay.

Bernadeth andito na sundo mo! Tawag ni Gilbert sakin.

Ok palabas na ko! mabilis kong kinuha ang bag ko at mabilis na lumabas nang room.

Medu pareho pa kaming nagulat ni Gilbert kc andun lang sya sa pinto nang room ko.

Wow you look so beautiful! kitang kita sa mukha nia ang paghanga.

Thank you! nakangiting sagot ko sa kanya.

Anjan na limousine sa baba, hanep ang sundo mo ah! biro nia sakin.

Anjan ba si Karl? tanong ko sa kanya.

Wala driver lang pinasusundo ka lang! Simpleng sagot nia.

Ah ok, sige lalabas na ako! paalam ko sa kanya.

Ok ingat sa JS Prom! biro nia sakin.

JS Prom??? nanlalaki ang matang tanong ko sa kanya.

Eh kc parang ganun ang dating eh! dagdag asar pa nia.

Heee! inggit ka lang wala kang date! sabay dila ko sa kanya.

Ako walang date?? kala mo lang un wifey may date ako mamaya no! ganting biro nia.

Asus sino naman kadate mo?? naiinis kong tanong sa kanya.

Secret magselos ka pa!!! tawa nang tawa sagot nia sakin.

Bakit ako magseselos? naiinis ko nang tanong.

Hmmm ewan ko, pero lumakad ka na kc nag iintay na date mo at baka pag tumagal ka pa jan tuluyan na kitang hindi palabasin nang bahay! dagdag asar pa nia sakin.

Tinaboy pa talaga ako! Inis kong sabi sa kanya.

Lumakad ka na kc isang minuto pa hindi ka na talaga makakalabas nang bahay! banta nia sakin.

Ewan ko sa'yo alis na ako! mabilis na akong tumalikod para lumabas.

Nasa main door na ako pero naririnig ko pa rin ang nakakaasar na tawa ni Gilbert.

Wow at limousine talaga nag iintay sakin.

Happy Valentine's mam Bernadeth! bati nang driver sabay bigay nang isang bulaklak.

Thank you! nakangiti kong pasalamat sa kanya.

Sumakay na ako sa limousine.

Kinakabahan ako na hindi mawari at natatawa pa rin ako sa JS Prom na sinabi ni Gilbert.

Loko talaga yon JS Prom daw, pero sino kaya kadate nun mukhang excited lang sya sa date nia ah.

Mam dito na po tayo! hindi ko namalayan na nakadating na pala kami.

Bumaba ako nang limousine at sinalubong nang isang babae.

For you Miss Bernadeth this way po! habang inalalayan nia ako.

Bakit andito ako sa may dagat asan si Karl? hindi ko napigilan ang bibig ko na magtanong sa babaeng sumalubonh sakin.

Nginitian nia lang ako.

Hinatid nia ako sa isang yate.

Sige mam pasok na po kayo sa loob! inalalayan pa nia ako papasok nang yate.

Seducing  My Ex-wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon