JENNIE POV
Hanggang ngayon nakakapanibago parin dito sa states kahit na 7yrs ng nakakalipas simula ng pumunta kami dito. Pinag patuloy ko ang course ko na HRM dito hanggang sa makagraduate ako at ngayon ako na ang naghahandle ng sikat na artist agency dito which is parents ko ang may ari ng company na ito noon.
"Hi my kitten?" nakangiting salubong sakin ni kai pag pasok nya sa opisina ko
"hi, saan ka galing?" tanong ko dito habang nakangiti. Lumapit naman ito sakin sabay halik sa pisngi
"grabe ka naman saglit lang ako nawala na miss mo na ko agad" mapang asar na sagot nito sakin
"tumigil ka nga sa ganyan mo, anyways kamusta yung pinapaasikaso ko sayo about dun sa viral video nung girl? nakuha mo na ba yung information about her? kelangan natin sya makausap bago pa tayo maunahan ng ibang agency" seryosong tanong ko sa kanya
"chill my kitten, sunod sunod naman yang tanong mo ey pero the good news is nakausap na ng secretary ko yung manager nya and nag set na sya ng meeting for thema. So tomorrow 1pm at starbucks kayo mag meet with that girl and her manager" nakangiting sabi nito sakin
"wait? what? ako lang? hindi ka kasama?" naka pout na tanong ko sa kanya
"soows, nagpa cute ka nanaman. well dont worry susunod ako dun after ng meeting ko sa isa nating client, ok?" sagot nito na agad na nagpangiti sa labi ko
"ok then, see yah tomorrow. Kelangan kong umuwi sa bahay nila appa at masyado daw akong busy sa work. Nagtatampo na dahil ilang araw na nila kong di nakikita" pag papaalam ko dito
"ok, see yah. Ingat sa pag maneho at inform mo ko pag nakarating ka na doon. Arasso?" pagbibilin nito sakin
"opo, master" mapang asar na yumuko ako habang sinasabi ito. Napangiti naman sya at agad na akong hinatid pababa para mapuntahan ang sasakyan ko.
Nakarating na ko sa bahay ng parents ko. Halos magkasing laki lang ito ng bahay namin sa korea. Naalala ko nanaman ang lugar na yon o mas sabihin nating naalala ko nanaman sya. Ayssss JENNIE!! tumigil ka na! tapos na yun! masaya na sya! nagpaubaya ka diba?! at dapat masaya ka nadin ngayon!
"appa! omma!" agad akong lumapit sa kanila at humalik sa pisngi
"na miss kita my little princess, lagi ka nalang busy sa work. Hindi mo na kami nadadalaw ng omma mo dito" nakapout na sabi ni appa
"oo nga baby, wag mo naman masyadong abusuhin ang katawan mo. Nag aalala kami ng appa mo sayo. Simula nung matapos ang opersyon at gumaling ka lagi ka ng busy" saad naman ng aking omma na nagtatampo. Oo nga pala, dahil sa pusong to kaya kami napunta dito sa states. Pumayag ako dahil may sakit ako sa puso at para maoperahan pero sa tingin ko mas malaki parin yung dahilan na masakit yung nararamdaman ng puso ko nung panahon na yun. OH!!! ayan ka nanamang puso ka! pag ako nainis itatapon na kita!
"please, dont worry too much. Im ok and always healthy. Hindi ko po papabayaan ang sarili ko at alam nyo naman nandyan si kai para antabayanan ako diba?" nakingiting sabi ko upang mawala ang pag aalala nila
"sooo lets eat na, na miss ko kayong dalawa ey. Kwentuhan nyo po ako about your tour lately sa hawaii" pag iiba ko ng topic sa kanila
Natapos ang masayang dinner namin. Umakyat na ko sa kwarto ko dahil nag please si omma na dito na daw ako matulog. Pinagbigyan ko ito dahil alam kong lalo itong magtatampo pag umuwi ako sa condo. Agad akong nagbihis at humiga sa kama ko. Nag alarm ako ng 12pm para makapag asikaso ako para sa meeting tomorrow. Hindi nanaman mapakali ang utak ko. Kamusta na kaya sya? sila pa kaya? ayyyss, syempre oo! at masaya padin sila hanggang ngayon! Hay naku! matulog ka na brain! di ka nakakatulong!
Kriiiiing! Kriiiiiiing!
Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Agad akong nagtungo sa banyo at naligo. Natapos na kong mag ayos at pag baba ko may nakahanda ng pagkain sa lamesa. Hindi ko na ito pinansin at agad ng dumeretso sa sasakyan ko dahil 12:30pm na at baka ma late ako.
Nakarating na ako sa starbucks at nakita ko si kai sa labas. Agad akong lumapit sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.
"akala ko ba male late ka ng dating? ey mas nauna ka pa sakin ey!" tanong ko dito
"nagpare schedule yung client ng meeting, may emergency daw sa kanila thats why im here, happy to see me?" nakangiting sabi nito
"sus baka ikaw ang nag cancel dahil gusto mo ko makasama tsk, ikaw talaga" pang aasar ko dito at natawa naman sya sa sinabi ko. Pumasok na kami sa loob at agad kong nakita ang secretary ni kai at kasama ang dalawang babae. Agad kaming lumapit doon at tumayo sila.
"hi, please meet our boss ms. Kim and also sir kai" pagpapakilala nito sa amin. Nagulat ako ng humarap sila sa akin. Hindi ko alam gagawin ko parang sumasakit yung puso ko. Magpadala kaya ulit ako sa hospital baka may sakit ulit ako.
"hi, Im Lalisa Manoban and this is my manager Park Chaeyoung" malamig na pagpapakilala nito sabay abot ng kamay nya. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba ito baka hindi ko na sya magawang bitawan pag nagkataon.
"hi, im kai and this is jennie" inabot ni kai ang kamay ni lisa na kanina pa naghihintay. Nakatingin lang sya sakin ng blanko. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya. Gusto ko na umalis. Hindi ko to kaya!
"so let's seat! ahhmm rina can you please order us and ask them for what they want" sabi ni kai sa kanyang secretary at agad naman itong pumunta sa counter. Nagsimula na silang mag usap habang ako naman ay nakayuko lang. Nararamdaman kong tumitingin sya sakin at minsan nagkakasalubong kami ng mata. Nararamdaman ko ang galit nya pero bakit?! ako na nga tong niloko nya sya pa tong galit?!
"ok, punta nalang kami tomorrow sa agency for the contract signing. See you there" nakangiting sabi ni Rose. Tumayo ito at nag handshake kay Kai. Nakatingin sila sakin at naghihintay ng sasabihin ko at makipag handshake ngunit hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Nagsorry naman si kai dito at sinabing masama lang ang pakiramdam ko.
"thats ok, we also need to go home. May dinner pa kami with my family. see you then." malamig na pag papaalam ni Lisa at sabay na silang umalis
"you ok? hindi naman natin kelangan ituloy if hindi mo kaya" nag aalalang sabi ni kai
"no, itutuloy natin to. Business is business. I just want to go home" tumango naman si kai sa sinabi ko at agad akong hinatid sa kotse ko.
Umiiyak ako habang nagmamaneho. Ang sakit ng nararamdaman ko. Magkasama parin sila hanggang ngayon. Akala ko ba ako ang mahal mo? bakit? bakit Lili?
rated spg po ang kasunod😅
nagbabasa parin ba kayo?