LISA'S POV
Nasa kalagitnaan na kami ng klase ngayon pero di ako makapag concentrate dahil sa Kai na yun. Parang gusto ko pumunta sa room ng Baby ko para bantayan sya syempre malay mo ginugulo na nya si Nini diba? Aysss nababadtrip ako! sa dami ng school sa seoul bakit dito pa nag enroll yung kupal na yun!
"ok ka lang ba Pokpak?" bulong sakin ni Rosé habang nakatingin sakin na parang nagtataka
"oo naman Chimpmunk, bakit mo naman natanong yan?" pagsisinungaling ko dito
"ey kasi naman hindi ka mapakali tapos kanina pa nakakuyom yang kamay mo na parang may gusto kang sapakin, ano ba problema?" tanong sakin ni Rosé. Aysss di talaga ko makakapagtago sa kanya ng kahit ano.
"naaalala mo yung ex ni Nini?" tanong ko dito
"oo naman, diba yun yung gwapong transferee dito sa school?" sagot nito sakin. Agad ko syang tinignan ng masama at nagulat sya sa ginawa ko.
"aaahhh gwapo pala ah! wag na wag ka ng lalapit sakin Chimpmunk ha! sasabihin ko kay Chichu na bet mo ex ni Nini tsss!" inis kong sabi sa kanya
"eto naman si Lisa hindi mabiro! alam mo namang mas gwapo ka dun ey tska tignan mo naman! mas gusto ka ni Jennie kaysa kay Kai diba?" kabadong sagot neto habang nagtaas baba ang mga kilay
"nako tigilan mo ko sa pambobola mo! hindi na kita ililibre kahit kailan!" pabiro kong sabi dito.
"joke lang naman Pokpak ey, libre nalang kita maya para hindi ka na magtampo" nakangiti nyang sabi sakin. Sus nang uto pa kala mo naman bibigay ako sa ganyan nya!
"sge ah sabi mo yan! anyways yun na nga diba magka klase si Nini at yung Kai na yun? pano kung guluhin nya si Nini ko dun? pano sya makakapag aral ng maayos diba?" sabi ko dito habang nakasimangot
"sus, nagseselos ka lang kase magkasama sila sa isang room ey" pabulong na sabi nito
"ano sabi mo Chimpmunk?" tanong ko dito
"wala! ang sabi ko wag ka mag alala, hindi naman hahayaan ni Jennie na lumapit sa kanya si Kai ey tsaka magkasama naman sila ni Jisoo hindi nya pababayaan si Jennie" sagot ni Rosé sakin. Sabagay may point naman tong babaeng to pero hindi parin hindi parin ako mapakali ey.
"aayss bahala na nga!" medyo napalakas kong sabi sa kanya
"Ms. Manoban and Ms. Park, anong nangyayari dyan? Pay attention here!" tanong ng prof namin. Agad naman kaming napaayos ng upo dahil sa pagtawag samin.
"aahh Mam wala po, sorry" sabay naming sabi sa prof namin. Aysss mamaya ko na nga iisipin ang mga yan!
***FastForward***
Uwian na at naghihintay kami ni Rosé dito sa labas ng room ni Nini at Chichu. Nakita ko sa bintana na kinakausap nung Kai na yun ang baby Nini ko, papasok na sana ko pero pinigilan ako ni Rosé dahil baka may tinatanong lang daw kay Jennie. Hindi ko naman tinuloy ang balak ko at pinakalma ang sarili ko.
Naunang lumabas si Kai kay Nini at Chichu. Tinignan nya ko at ngumiti na parang nang aasar. Aba lokong to! kala mo ang gwapo sarap tupiin sa walo! Nakasimangot ako ng lumabas sila Nini at Chichu ng room nila.
"oh Lili? bakit ganyan itsura mo? sino umaway sa baby ko!" tanong ni Jennie na handang sugurin kung sino man umaway sakin. Agad naman akong napangiti sa sinabi nya.
"wala Nini, na mimiss na kasi kita kaya nakasimangot ako. Tagal nyo kase lumabas ey" pagsisinungaling ko dito
"Ayysss nagsama nanaman ang maharot na mag jowa! kala mo naman may forevs!" sigaw ni Chichu saming dalawa. Tinignan naman ng masama ni Jennie si Jisoo dahil sa sinabi neto.