LISA'S POV
Lumipas ang mga araw na magkakasama kaming apat sa school at lagi kaming sabay sabay sa canteen pag breaktime. Sobrang close na kaming tatlo nila Jisoo at Rosè pero si Jennie medyo tahimik at seryoso lang sya lagi. Hindi ko nga alam kung pano sila naging magkaibigan samantalang super hyper lagi si Jisoo. Minsan nagtatry akong kausapin sya pero parang ilang sya sakin at laging naiinis. Hindi ko sya maintindihan samantalang tinawag nya kong Lili sa text nung nakaraan akala ko magiging close na kami.
"guys bukas ha tuloy tayo! punta kayo sa house namin mag movie marathon tayo at foodtrip!" sabi ko sa kanilang tatlo habang nakangiti.
"oo nga pala friday ngayon walang pasok bukas!!! yes! sa wakas!" sabi ni Rosè habang tuwang tuwa.
"Lisa gusto ko ng chicken bukas ha! wag mong kakalimutan yun" sabi ni Jisoo habang nakangiti sakin.
"sige papaluto ako kay yaya ng madaming chicken ubusin mo lahat hahaha, ey ikaw Nini? anong gusto mo?" tanong ko sa kanya habang nakangiti. Nakita kong nagulat sya at namula ang pisngi. Ano kayang problema nya?
"I-ice cream yung milk flavor" mahinang sagot nya sakin habang nakayuko. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.
"ok Nini! pumunta ka bukas ha! pati ikaw Chichu hintayin ko kayo i send ko sa inyo yung address namin. Magkita nalang tayo bukas ha! alis na kami punta na kami sa room. byeee!!" sabi ko at agad ng umalis kasama si Rosè para pumunta sa room.
(Fast Forwaaaaard!!!)
SATURDAY!!!!
Malapit na mag lunch time at kakagising ko lang. Ang sarap manood at magpuyat dahil sa kdrama at matulog hanggang tanghali pag walang pasok! Bumangon na ko para maligo at mag asikaso para sa kakainin namin mamaya. Ngayon kasi pupunta si Jisoo at Jennie sa bahay. Biglang may narinig naman akong kumakatok sa pinto ng kwarto ko."POKPAK!!! GUMISING KA NA! PAPUNTA NA SILA CHICHU AT JENNIE DITO SA BAHAY!!" malakas na sigaw at pagkatok ni Rosè feeling may ari ng bahay namin tsss.
"OO NA! ANG INGAY MO ANG AGA AGA! MALILIGO LANG AKO HINTAYIN MO KO SA SALA!" sigaw ko sa kanya.
"ANONG ANG AGA AGA?! TANGHALI NA!! KAYA BILISAN MO!" sabi niya at pumunta na sa baba. Hayyss ang babaeng yun talaga sarap pasakan ang bibig ang ingay lagi.
Natapos na kong mag asikaso at bumaba na. Inutusan ko si Yaya Ising para magluto ng chicken at popcorn para sa movie marathon namin, si Mang Digong naman inutusan ko bumili ng ice cream sa labas. Wala si Mom at Dad ngayon nasa Thailand dahil inaasikaso nila ang mga business nila doon kaya ako lang at ang mga maids ang tao dito.
"Chimpmunk nasan na daw sila Chichu at Nini?" tanong ko sa kanya.
"malapit na daw sila nagsabay na daw sila papunta dito sinundo ni Chichu si Jennie" sagot ni Rosè sakin.
Maya maya ay may narinig kaming bumubusina sa labas. Sigurado akong sila na yun! hihihi excited na ko makita si Nini!! wait? what? hoy brain kung ano ano iniisip mo tumigil ka! Pinapasok ko na sila at nagyayang pumunta sa Theater Room namin manood na ng movie.
"ano gusto nyong panoorin guys?" tanong ko sa kanila ganito ang posisyon ng upuan namin.
"Chimpmunk-Chichu-Nini-Me"