"Jealous"

3.4K 87 3
                                    

LISA's POV

Excited na kong pumasok ngayong araw! Balak ko kasi sumali sa Dance Club sa school at mamaya na ang audition ko. Medyo kinakabahan ako pero mas lamang padin yung excitement ko at syempre mas excited akong makita si Nini😊 Pansin ko sa kanya naiilang padin sya sakin after mangyari yung kiss namin sa bahay pero hindi na sya ganun kasungit minsan pinapansin nya na ko aayyyiieeh!!! Naalala ko nanaman tuloy yung lips nya aaaarrrgghhh!! tama na! ang aga aga kung ano ano nasa utak ko hahaha

"Chimpmunk sinabi mo ba kay Nini at Chichu na mag audition tayo mamaya?" tanong ko sa kanya.

"aahh oo sabi nila manonood sila, ayyyss kinakabahan nga ako ey" sagot ni Rosè habang hindi mapakali sa upuan nya sa sobrang kaba. Hayss nakakahawa naman tong babaeng to kinakabahan tuloy ako.


Dumating na ang prof namin at nagsimula ng magturo ng kung ano ano. Nakakatamad pakinggan gusto ko na lumabas ng room at makita si Nini haha. Hindi kasi sila sumabay ni Chichu sa canteen kanina dahil may tinatapos silang project at kelangan na maipasa ngayon.


"krrrriiingg!!" bell na!!!

"class dismissed! gawin nyo ang assignment nyo para bukas ha!" sigaw ng prof namin habang nag aayos ng gamit.

"YES MA'AM!!!" sabay sabay naming sagot.


Papunta na kami sa gym ni Rosè ngayon para sa audition. Hindi ko padin nakikita yung inspirasyon ko. Hayyss kinakabahan ako makapag cr nga muna.

"Chimpmunk una ka na sa gym mag cr lang ako" pagpapapaalam ko sa kanya.

"ok!!!" sagot nya sakin habang kumakaway palayo.


Nasa loob na ko ng cr ngayon at nakaharap lang sa salamin habang nakatitig sa sarili ko. Kinakabahan talaga ko parang gusto ko ng mag back out.


"Haaaysss!" pagbuntong hininga ko dahil sa sobrang kaba. Nagulat at nanlaki ang mata ko ng bumukas ang isang pinto ng cubicle sa cr grabeeee!! May prinsesang lumabas! May kahiraan ba sa loob nyan?

"oh! Lili ikaw pala yan, bakit nandito ka akala ko may audition kayo ni Rosè?" gulat na sabi ni Jennie. Shiit!! Sarap sa ears nung tawag nya sakin hahaha.

"a-ah ano kasi ey, kinakabahan ako hehe" nahihiyang sagot ko sa kanya.

"wag kang kabahan nandun kami ni Chichu para mag cheer sa inyo mamaya" nakangiting sabi nya sakin. Aaayyyyiiiieehhh! Kinikilig ako bes!!!

"a-ah ok Nini" sabi ko habang nakayuko dahil feeling ko namumula na ang pisngi ko sa sobrang kilig.

"sige punta na ko sa gym hinihintay na ko ni Chichu sa pwesto namin, Goodluck! Fighting!" sabi nya habang nakangiti at palabas na ng cr. Nginitian ko sya at nag thumbs up. Nagulat ako nung biglang syang bumalik sa cr may naiwan siguro sya dito.

"may nakalimutan pala ko" sabi ni Jennie sabay lakad palapit sakin at hinalikan ako sa cheeks. Nanlaki ang mata ko sa gulat at napayuko ako ng ulo dahil feeling ko namumula ang aking pisngi sa sobrang kilig.

"goodluck!" sabay takbo nya palabas pagkatapos nyang sabihin iyon sakin.


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko sobrang shock ako bes! Yung puso ko nagwawala! gusto na lumabas sa katawang lupa ko!! Aahhhh!! Kinikilig ako!! Nawala na yung kaba ko kaya kelangan ko galingan mamaya para sa baby Nini ko hahaha.


Nagsimula na ang audition at maraming tao ang nanonood. Nasa number27 na ang nagpeperform at pang 30 ako, medyo kinakabahan nanaman ako pero bigla kong nakita si Nini sa crowd na nakatingin sakin at nagsabing "FIGHTING!" nawala naman agad ang kaba ko at napangiti.


MY ONE AND ONLY YOU(JENLISA STORY)Where stories live. Discover now