"Her First Love"

2.7K 59 17
                                    

Someone's POV



"at last nakabalik narin ako dito sa korea" sabi ko sa sarili habang naglalakad palabas ng airport


"sir, san po tayo dederetso?" tanong ng butler ko sakin at binuksan ang pinto ng kotse


"sa condo ko, magpapahinga muna ko.. gusto ko pag nakita ako ni Jennie fresh ako" nakangiti kong sabi dito at agad naman syang sumang ayon at nagpaandar ng sasakyan

"nandito na ko Jennie, bukas makikita na kita at pag nangyari yun hindi na kita pakakawalan pa" pabulong kong sabi sa sarili habang nakangiti





JENNIE's POV


"anong nangyayare?" tanong ko kay jisoo habang naglalakad papasok ng school. Nagkakagulo kasi lahat ng student ng campus parang may artistang dumating.


"ewan ko ba sa mga yan parang mga tanga! ang iingay! Pero narinig ko sa isang student na dumaan na may gwapo daw na transferee ngayon araw. Siguro yan yung pinagkakaguluhan nila. Ayss kala mo naman artista para pagkaguluhan" iritang sabi sakin ni Jisoo na ikinangiti ko lang. Wala naman akong pakealam sa transferee na yun dahil may Lalisa Manoban na ko nu at mas gwapo padin ang baby ko kanya.


Nagpatuloy na kami sa paglakad ni Jisoo papunta sa room namin. Hindi kami nagkita ng baby Lili ko ngayon dahil may report sila sa first subject at ayaw nya ma late. Ayss miss ko na pa naman sya hahaha shet! lande! magkasama lang kayo kagabi te! pero ok lang sabay naman kami mamayang break time ey ayiieeeeuut!



"attention everyone! meron kayong bagong magiging classmate. our transferee from New Zealand" nakangiting sabi ng prof namin habang nakatingin sa pintuan. Pumasok ang isang lalaki na gwapo at matangkad pero mas gwapo parin baby ko but wait? teka? sandali? owww my ghaad! is this true? oh f*ck! i know him! bakit sya nandito!

"hi evereyone! Im Kim Jong In but you can call me Kai for short" pagpapakilala nito habang nakatingin at nakangiti sakin. Putspa naman ey bakit ganto yung puso ko? bakit ako kinakabahan? bakit ba nandito tong kupal nato!

"ok Mr. Kim you can sit now" sabi ng prof ko at agad naman syang sumunod. Nakita nyang bakante sa kabilang upuan ko kaya dito sya umupo. Gusto ko sanang lumipat kaso wala ng ibang pwesto ayysss. Makikipagpalit nga ko mamaya kay Jisoo ng upuan sa nxt subject namin!

"hi my kitten kamusta?" nakangiting sabi sakin ni kai. Aiisshh sarap sampalin!

"stop calling me like that kai" inis na sabi ko dito sabay irap

"hindi mo ba ko na miss my kitten?" naka pout na sabi nito sakin

"bakit ko naman mamimiss yang muka mo? pwede ba kai wag mo na kong kausapin" iritang sabi ko dito na ikinatahimik naman nya

"psst! Jennie? diba sya yung nag iisang ex mo na lalaki? bakit sya nandito?" bulong na tanong ni Jisoo sakin. Aba malay ko ba bakit nandito yang hayup na yan! tska haler? nagtanong pa talaga sya ey isa lang naman naging ex ko jusme.

"Oo, aiisssh pwede ba Chichu wag mo muna ko tanungin tungkol sa kanya lalo lang akong nabubuyset" iritang sagot ko dito.

"ok! chill! masyado kang hot ey!" sagot nito habang nakataas ang kamay.


Nagpatuloy na ang klase namin ng hindi ako nakikinig sa prof namin. Ang dami kong iniisip at tanong sa sarili. Hindi ko na alam gagawin ko kung tatanggalin ko ba utak ko o tatanggalin ko yung ulo ng bagong katabi ko. Aiisshh!

"krriiiing! kriiiiing!"

"ok class have a break" sabi ng prof namin at lumabas na ito


"kitten? sabay na tayo pumunta sa canteen tapos treat narin kita" nakangiting sabi sakin ni kai

"thankyou nalang kai pero kasabay ko yung girlfriend kong kumain sa canteen, iba nalang yayain mo" iritang sagot ko dto at naglakad na palabas ng room kasama si Jisoo

"i think may gusto pa sya sayo Jennie, the way he stares at you ey parang may something" sabi ni Jisoo

"hay naku! wag mo nga pansinin yung lalaking yun! tska wala akong pake kahit may gusto pa sya sakin o wala!" sabi ko pero totoo ba? wala na ba talaga kong pake? ey bakit parang nasasaktan ako ng makita ko sya ulit? bakit ganito tibok ng puso ko? aiisshh gutom lang to! kelangan ko ng makain yung baby Li--- i mean yung pagkain ko!

"hi baby Nini ko!" nakangiting sabi ni Lisa habang papalapit kami ni Jisoo sa kanila ni Rosé.

"hi baby Lili" tugon ko dito at pinaupo ako sa tabi nya. Hinalikan nya ang noo ko sabay ngiti sakin ng napaka laki. Aiisshhh di parin ako makapaniwala na gf na ko ni Lisa! grabe sobrang saya!

"baby Nini nabalitaan ko may bagong transferee dito sa school and classmate nyo daw. Sabi nila gwapo daw? totoo ba? mas gwapo ba sakin Nini ko?" sabi nito sakin habang nagpapa cute sa harap ko. Grabe ang ganda talaga ng muka ni Lisa ang sarap nya--- i mean ang sarap nya tignan! kayo talaga!


"oo naman baby Lili! mas gwapo ka sa kupal na yun nu!" nakangiting sabi ko sa kanya


"alam mo ba Lisa na ex sya ni Jennie at first love nya yun? tingin nga ng tingin sa kanya kanina ey parang may gusto parin kay Jennie" sabi ni Jisoo habang kumakain ng chicken. Nagulat at nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Oh my ghad! Ano gagawin ko?!

"what!? totoo ba yun Nini?" pasigaw na tanong sakin ni Lisa. Tinignan ko naman ng masama si Jisoo dahil sa kadaldalan nya at napatungo ito sa ginawa ko

"a-ahh e-ehh a-ano baby, o-oo e-ex ko sya nung high s-school p-pero matagal na naman y-yun ey" utal na sagot ko kay Lisa.


"siguraduhin nya lang na wag syang lalapit sa baby Nini ko! dahil totorturin ko sya pag sinubukan nyang guluhin ang baby ko!" sigaw ni Lisa habang nakakuyom ang mga kamay nito. Napatingin sa kanya lahat ng estudyanteng kumakain sa canteen.


Mukang magkakaroon ng world war 3 mga bes!!! Aiiissshh!! bakit ka pa ba kase bumalik kai! masaya na ko ey! guguluhin mo pa ba?! nalilito na tuloy ako! nakakainis!



--- short udpate mga bes..

MY ONE AND ONLY YOU(JENLISA STORY)Where stories live. Discover now